It has to go in a custom footer (not html module) to work*. The source, which also has some interesting thoughts on the desirability of disabling right click, is below: http://javascript.about.com/library/blnoright.htm *Using in a custom footer:replace all code in xslt box with this: ]]>

« Home | 10 Essential tools to TOP your university’s nursin... » | 10 Essential tools to TOP your university’s nursin... » | Mga issues noong July 2006 nursing board exam »


QUICKLINKS : CHAT RULES / PINOYBSN FORUM

10 Essential tools to TOP your university’s nursing pre-board examination part III

6. DOH Website [ http://www.doh.gov.ph/ ]


Ma pa board exam man or preboard, ito ang website na kailangang I MEMORIZE. I scanned the previous board exam, MOST of the “weird” questions are found sa website na ito. One example is the MARBURG virus that was asked during the 2004 yata or 2005 board exam. Other common questions are the Morbidity and Mortality figures which are found sa website na ito.

Tanda ko pa ang tanong sa preboard ng Fatima is yung common cause ng morbidity at mortality , pati narin ang mga formulas ng maternal mortality rate etc. Makikita mo naman ang figures sa DOH Manual pero outdated. Ang leading cause of morbidity today is PNEUMONIA na not diarrhea pero kung titingnan mo yung DOH manual mo diarrhea pa rin nakalagay. So make sure updated ka sa FHSIS info which is found sa DOH website. Mali po ang sagot ko kasi DIARRHEA ang sinagot ko e pneumonia na pala. Susunugin ko talaga yang DOH manual na yan.

Another common questions is yung mga PROGRAMS. Like sang milyong sipilyo, sentrong sigla, mag pa DRE tayo pare. Kaunti lang ang programs sa DOH Manual unlike sa website, kumpleto halos doon. Read about the programs of the department of health and understand it. Question before was about SANG MILYONG SIPILYO. Ano daw ang paraan ng sang milyong sipilyo program para mapatupad ng maayos ang programa. Answer is SOCIAL MOBILIZATION kasi hinihikayat niya ang SOCIETY para mag donate ng mga toothbrush para sa mga hindi makabili. Pag mag dodonate ng sipilyo wag yung HAN CHANG ha, yung mga sipilyong made in china na parang alambre dahil ang titigas. ORAL B naman dahil baka pagduguin mo pa bibig ng gagamit nung toothbrush mo murahin ka pa non.

Dapat alam mo rin kalian nagaganap ang mga programs na ito. Like Cancer awareness month, Nutrition month, AIDS month at IWAS PAPUTOK. Baka naman magkamali ka pa sa iwas paputok isagot mo February ha shempre December. Masarap basahin ang website ng DOH hindi ka aantukin talagang detalyado at simple lang.

May mga articles din ang DOH about the health news from various newspaper. LIBRE ang mga ito so basahin ninyo [ HEALTH NEWS CLIPPINGS ]. Hindi naman ito lalabas sa preboard pero sa board exam LUMALABAS po. I still remember a journal from MANILA TIMES year 2003 ata iyon na pinagkuwaan ng tanong. The question asks about what MINERAL works with VITAMIN E to strengthen the immune response. Answer is SELENIUM.

Andito rin sa site na to ang mga info about BIRD FLU, MENINGGOCOCCEMIA at mga NEW PROGRAMS na pwedeng itanong. Tinanong ano raw program ang nagbebenta ng murang gamot sa mga kababayan nating gusting makamura. Answer : GMA 50. Wala nyan sa DOH Manual pero nasa website.

May bagong program nga ang DOH dahil kulang na kulang ang mga doctors sa mga barrios sa province. Nako baka itanong din yan, the DOCTORS TO THE BARRIOS program. Hindi ko alam kung tinanong na ito sa board pero bago lang yung program kaya baka itanong sa future questions.

Under the DOH website is the FHSIS website [ FIELD HEALTH SERVICES INFORMATION SYSTEM ] Papaputol ko ang kuko ko sa paa pag walang tinanong sa FHSIS website. Ito nga yung sinasabi ko na mortality, morbidity and other DEMOGRAPHICS about the Philippines. Always answer using that website dahil OUTDATED Po ang FHSIS ng ating DOH Manual. Sunugin na talaga yan!

7. Previous Board Exam Questions



Unang una, hindi naman inuulit ang tanong pero NAUULIT. Yung alma ata Russia na yan ilang beses na ulit. Yung mga EO, RA, LOI, Vision, Mission at kung ano ano pa. Dapat nabasa mo ang board questions during the past 5 years. You can buy this sa mga tindahan sa tabi ng PRC meron mga yan. I managed to get a copy of board exams from 1988-2005 and I tell you, compare sa NCLEX questions na binabasa ko, para akong bumalik sa grade 1 dahil napaka straight to the point ng mga board questions. Not really EASY pero the questions wouldn’t require you to think. Pag hindi mo talaga alam, MALI KA NA unlike in NCLEX na iimaginine mo pa yung situation and pwede kang manghula.

Examples :

[ December 1992 board question ]

Which of the following is not an adverse effect of anti-psychotic drug?

A. Sedation B. Hypertensive Crisis C. EPS side effects D. Anti cholinergic Side effects

[ NCLEX Question ]

Which of the following sign and symptoms of client taking CHLORPROMAZINE [ THORAZINE ] Will require the nurse to report the symptoms to the physician?

A. Tongue protrusion B. Dry mouth C. Blurred Vision D. Wry neck

Comparing the question, look at the local board… GENERAL ang approach nya. Antipsychotic drugs has EPS and ANTICHLONERGIC side effects so I will remove those options first. Sedation is another side effect ng anti psychotics because of the disturbance of neurotransmitters.

Hypertensive crisis is seen sa mga ANTI DEPRESSANT, particularly, sa MAOI right? What we see sa neuroleptics [ other name ng antipsychotics ] is the NMS or neuroleptic malignant syndrome. So B is the right answer.

Looking at the NCLEX Question, compare sa approach ng local, sobrang HIRAP ng approach sa Nclex. According nga kay Sir Allan Santos [ Board topnotcher 2005 ] na ¼ lang daw ang hirap ng local compare sa NCLEX and I will agree. Dito specific ang drug na tinatanong so pag hindi mo alam kung ano ang classification ng thorazine hindi mo masasagot. Sa local board, kinlassify na sha.

Ngayon looking at the choices, you need to CLASSIFY nanaman ang choices.

Dry mouth and Blurred vision are all ANTICHOLINERGIC Side effects of the drug therefore, eliminate mo na dahil it is NORMAL. We could use an eye drops na ipapatak sa eyes para ma lubricate ang eyes to relieve blurred vision and pwede nating bigyan ng ice chips or sugarless gum ang ating patient to relieve dry mouth.

Wry neck is a DYSTONIC side effect of the drug. We can give the client drugs to relieve Dystonia like BENADRYL.

Tongue protrusion is a sign of TARDIVE DYSKINESIA, of all the side effects of neuroleptics, TD is the one that would force the physician to stop using the drug indefinitely because TD is IRREVERSIBLE.

So now you see the reason bakit gusto ng mga prof nyo na kumuha from NCLEX rather than local. The more you train kasi sa harder question ng NCLEX, the more SISIW the local boards will be. Hilig ng Fatima na kumuha ng question sa previous board, WORD PER WORD po kinuha ni sir Vasquez ang some questions nya sa aming preboard from the 1992 board exam and nalaman ko lang AFTER ko na mabasa, which is SAD kasi sayang! OB pa naman ako mahina.

MOST of the questions ng preboard are taken from NCLEX and PREVIOUS BOARD so make sure you read previous board questions bago ka sumabak. Fatima do not like making new questions, most are recycled from MOSBY, SAUNDERS, LIPPINCOTT + LOCAL BOARDS. The book of SIA will help. SIA’S NURSING QUESTIONS AND ANSWERS I , II, III collects selected questions from 2004 and 2003 board questions and she will rationalize it for you. Although may mga MALI siyang sagot, most naman ay tama. Usually nagkakamali si SIA sa mga questions na may EXCEPT at sa mga Questions na WALANG REFERENCE [ meaning, subjective kung sino gumawa ng tanong siya lang ang makakasagot ]

Example :

Diagnostic assessment of Mr. Gary would probably NOT reveal [ talking about LEUKEMIA ]

A. A predominance of lymphoblasts C. Abnormal blast cell in the bone marrow
B. Leukocytosis D. An elevated thrombocyte count

Ang sagot ni SIA is B. Leukocytosis. But the right answer is D. An elevated thrombocyte count.

Because LEUKEMIA is an abnormal proliferation of immature WBC right? The WBC is so immature that it is not effective in dealing with foreign antigens. The proliferation of WBC CROWDS out the rest of the cell and will cause the THROMBOCYTE to decrease. Leukocytosis is the increase in WBC and will be present in leukemia. LEUKOCYTOPENIA is the one na hindi makikita sa leukemia.

There are around 6 more questions na medyo na lito si SIA in his TEST III [ meron ding errors ang I and II ] book dahil sa mga except except na yan. Dapat hindi ka basta tanggap ng tanggap ng rationale, always check and verify using your own knowledge and resources. Pero I recommend her book.

Mapapansin nyo rin sa book nya na MOST OF THE RATIONALES are taken from the DOH website and her books. Sabi ko sa inyo important ang DOH website eh! Yung book nya naman ng OB and PEDIA maganda rin around 1 cm thick and small frame siya, pero not worth reading as I said, EXAM QUESTIONS na lang ang basahin ninyo then refer to WONG or PILLETERI if you want to know more about the topic.

8. Final Coaching materials of the previous batch.

Maging FRIENDLY ka dapat sa mga 4th years. Dapat may BEST FRIEND ka atleast isa na fourth year student. Siya ang mag susupply sa inyo ng mga previous final coaching materials bakit? Kasi doon din kukuhain ng university nyo specially ng Fatima ang mga tanong sa compre at quali. [ preboard exams ] Ito rin yung mga tanong na I rerecycle sa susunod na preboard so you better get a hand of those. Ako kasi kumpleto when it comes to these things eh, I make sure na makukuha ko lahat lahat ng binibigay ng institution dapat ganun ka rin.

I remember that the materials given during the final coaching of FATIMA December 2005 was RECYCLED and became the COMPREHENSIVE EXAM [ First pre-board ] of the next batch. Alam ko kasi I got a hold of the final coaching materials given during December 2005 and SADLY, I haven’t read it kaya galit ako sa mundo after that examination. Minumura ko nga si Maam bautista sa isip ko eh kasi kinuha lahat ng psyche exam doon sa final coaching nya. Pero favorite teacher ko si Maam Bautista ha. [ pambawi baka may magsabi kay maam bautista I-ECT ako.]

9. Review center examinations [ Pentagon, Gapuz, Oracle, St. Louis, etc. ]

Tandang tanda ko pa na LAHAT LAHAT LAHAT ng inexam namin tungkol sa RESEARCH during our QUALI [second pre-board] are taken from PENTAGON’s research questions. Swerte ko binasa ko kaya natuwa naman ako. Around 30 items yata ang research at 100% are taken from pentagon’s examinations. Buti nalang may pentagon materials ako that I asked from a friend of mine na nag review sa pentagon.

Pero usually naman na galling sa mga review centers na ito are taken rin from previous national board exam. Pero if you have a chance to get a copy of this review materials, Get them and read them.

10. Prayer



Shempre mawawala ba ang prayer? Bago ka mag exam always make sure that you PRAY with all your heart and clear intentions. There can be miracles you know when you believe. Although hindi ako madasaling tao, Everytime na mag e exam nagdadasal naman ako. Siguro sa loblob ni God sa akin Letse ka, magdadasal ka lang tuwing exam!

Honestly, when you pray…. Bababa ang anxiety mo because prayer is a source of CONSOLATION. Anxiety interferes during the exam, anjan yung PARA at SYMPA effect that are affected by the rising level of anxiety. Tremors, Tachycardia, Increase peristalsis, stimulation of the detrusor muscle and contraction of the bladder. [Dapat memorize mo ang effect ng para at sympa] Kaya pag ninenerbyos ka na wiwiwi ka sa salawal mo. Mag diaper ka honestly, ano gusto mo bumagsak O tumambok ang pwet? [ Ano nga ba yung brand ng adult diaper? Dr. something yun e ] alam mo naman no ang feeling ng ihing ihi diba? Nag iinit ka, di ka mapakali, ayaw gumana ng utak mo mamumura mo yung tubig na ininom mo kaninang umaga basta!!! Babagsak ka pag nangyari sa iyo yan kahit kasing talino mo pa si Einstein.

Eh lalong masama pag nag peristalsis ka habang nag eexam. Normal lang naman ang peristalsis ang masama pag over active. I can’t imagine and I don’t want to imagine ano mangyayari pag ito nangyari sa akin. bawal po lumabas during the exam.

So to sum it all, Prayers and Diapers ang number 10. Remember, sa preboard at board, future mo na ang nakataya kaya dapat give your best shot. Pag bumagsak ka ng preboard sorry, di ka makakatake ng board… sayang naman.

Very good sir budek. Well said and thank you for imaparting your knowledge and skills for us to have better perspective.

hi sir budek. nbsa ko yung 10 essential tools... nakakatuwa and thak you sa advise...

thank u sa tip sir budek., buti na lang., nabasa ko itong part na toh sa blog mo., it will really help me a lot para sa compre at quali namin next sem.

lach.fatima val.ncm104

Post a Comment


PBSN Forum


Photobucket 

- Video and Image Hosting

Archives

Links