Supposedly, dapat pinost ko ito around December 5, 2006 pa but I drafted it nalang dahil parang I said to myself "Walang kwentang post"
Well anyway, since results came out na rin naman... I think this is worth posting. This was my experience while I took the December board exams. I typed this December 5, 2006.
Here it goes :
DECEMBER 05, 2006
Dear Diary,
The hardest part of the exam is not the exam but yung waiting na ginagawa namin for the result. PRC'S Target date daw is on December 18, 2006... The sooner, The better.
I was assigned sa ARELLANO HIGHSCHOOL sa may sta. cruz, manila malapit sa doroteo jose. It is the best room ever! No electric fan, ang ingay sa labas dahil terminal ng jeep, yung desk is butas butas di pa pantay yung paa ang init init. Best ba nasabi ko? Sabi ko nga, LORD tamaan nyo ng kidlat yang halimaw na barker na yan! , Well, he is just doing his job... So walang kidlat na dumating.
Eh di NP1 na, Ofcourse first time ko... Aba may booklet ang PRC! I thought para shang testpaper, it was a booklet pala. Dala dala sha ng BATA paakyat. You know why bata yung nagdadala? Aba hindi ko rin alam. Naka sealed naman sha. Siguro dahil ang bata mahirap i bribe? aba ehwan... bat nga bata nag dadala, may rationale siguro yun.
So we filled up na the forms, Na realize ko na kaya pala hindi nilalagyan ng names yung paper mo is para di ka ma sabotahe or madaya sa loob ng PRC or the other way around. Baka mamaya yung walanghiyang kapitbahay mo pala yung nandun sa loob na parati mong tinatalakan sa umaga dahil yung gripo 24/7 bukas at walang tulo sa loob ng bahay ninyo dahil una shang nadadaanan ng pipe, tapos nakita yung pangalan mo... Naalala ka... Sabay kumuha ng eraser at binura mga sagot mo.... Hindi ba nakakatakot? Kaya pala walang pangalan no?... dahil sa kapitbahay natin...
We started na sa NP1 , Kala ko 8 magsimula naging eleven. Itong si marisse niloloko ko around 8:30 sabi ko marisse! number one question, sino ang unang presidente ng PNA? sagot naman siya.. Rosario montenegro? ... hahahaha. Yung proctor, tinawag ako.. Sabi dervid, can you remove your eyeglasses? Sa loblob ko, Hala! bakit di ko ba kamukha yung nasa picture?... Isa lang ibig sabihin nun, Its either photogenic ako or ang pangit ko sa personal! Sana yung una nalang.
So kumain kain muna ako, at 11 oclock na. Aba unang tanong palang hindi ko na alam... O siya hula hula nalang. Yung nasa likod ko sinisipa yung upuan ko.. I thought may daga sa ilalim ng upuan ko so I looked below and I saw her paa, pilit na sinisingit inbetween the spaces ng upuan. Buti naman may pakiramdam sha at inalis nya when i looked. Kakainis ginagawa nya ba yun Unconciously or nang aasar sha? Di nya naman siguro sadya.
NP2 na, aba ang hirap rin.... Hula hula lang.. sige kaya yan. After ng exam rationalize mga nasa room ko... Ako tahimik lang, Pinipigilan kong bumuka ang bibig ko at sagutin ang mga tanong nila. Ayaw ko ng makijoin baka isipin nila matalino ako. Mamaya sukahan yung papel ko ng mga iyon sabay sabing "SORRY". Dapat nga nagdala ako ng bakod para nabakuran ko yung upuan ko para yung butiki lang na malalaglag ang proproblemahin ko... at yung oil sa mukha ko na nag lalaglagan na sa init.
So tapos na ang exam.... Madaming tumawag sakin at nagtanong. I did my best to answer them. Nag aaral ako at ang dami daming nag vivideokehan sa labas namin, ano ba ang meron? Parang di na ako na sanay e araw araw naman may videoke doon. Sabi ko nalang, LORD, pasabugin nyo nga po yung videoke machine sandali. Biglang tumahimik... Hindi ko alam kung sumabog ba or naubusan na ng 5 pesos yung lasenggong kumakanta. Dapat sinabotahe ko yung tindahan na yun December 1 palang at nilagyan ko ng Ketamine yung mga beer para di ako na istorbo eh. Yaan ko na nga lang gusto nilang mag enjoy after a hard days night. Napaka KJ ko talaga.
NP3 na... Hula hula ulet sige lang... NP5 na... Sige sagot lang ng sagot budek kaya mo yan. Before mag NP4 nagbasa pa ako ng AIDS, Gonorrhea, Syphilis, Measles, Vaginitis at kung ano ano pa.... Sa awa naman ng diyos hindi lumabas. Waste of effort.. sana kumain nalang ako ng siopao kung alam ko lang. This is it!!! kasi yung NP4 for me eh, make or break.... Kaya tiniis ko ang gutom ko para mag last minute study.. la rin namang nangyari. Sinagutan ko na yung NP4, natapos at pinasa ko na ang papel. Ang PRC nanghihingi ng PENCIL for a cause. Sentimental kasi ako, kaya Hindi ko binigay yung pencil ko ipapamana ko pa kasi iyon sa mga next generation na mag boboard exam. [ Di kaya inaanay na yung mongol ko sa mga panahong iyon? ] Malay mo mag top ako.. i papa frame ko bawat isang lapis na iyon :p
Pag labas ko sa ARELLANO may sinabi ako kay GOD, secret nalang ha? Pag namatay ka nalang ask mo sha. [ Biro lang :p knocks on wood .. hehehehe ]
kung ano ano sumasagi sa isip ko.. Parang wala yata akong set, parang may naiwan yata akong walang sagot... at kung ano ano pa.
Honestly di ko alam, Paranoia nalang ata or talagang wala akong nalagay.... But whatever it is, BATO ako... Hindi ko na sila nararamdaman basta gusto ko nalang makauwi. At ang nanay ko shempre antay ako sa labas uwi na kami sakay jeep. Pag dating ko sa bahay, Naiisip ko na may naiwan nga akong blanko...
Pumunta ako sa PBSN Chat at inopen ko na parang may naiwan akong blanko... Ang mga intrimitidang kaibigan ko naman na katulad ni marisse sabi NAKU ILULUWA NG COMPUTER YAN PAG MAY BLANKO BUDEK!!! at hindi lang sha ang nagsabi, sampu ng mga aking kaibigan may urban legend sa blankong answer, keysho zero na raw ako, blanko, walang grade, iluluwa ng computer.... hay naku, sabi ko oh no! bagsak na pala ako.
Itong si marisse na realize nya na na down ako sa sinabi nya sabay bawi.... hindi naman daw totoo yun. Eh ang taas ng paranoia ko noon so Naniniwala ako na 0 na ako sa test I. Sabi ko, well... this is it! nag effort pa ako babagsak lang pala.
Kinabukasan nag tanong tanong ako... sa Scantron mismo, Sa allnurses, Sa pearsonvue... pati PRC tinawagan ko na. Pareparehas naman sila ng sinasabi. Ako kasi si tanga naniniwala sa mga urban legends nila. OO nga no, na realize ko.. napaka impossible bumagsak just because you left a blank! The machine will simple cross it out and make no issue about it.
So naghihintay nalang kaming mga December takers sa resulta.... May mga nagsasabi ng SOBRANG DALI DAW NG EXAM OVERALL... sinasabi ko lang OWS talaga? dapat mag top ka ha! Nayayabangan ako sa kanila honestly. When I was asked yung difficulty overall sinasabi ko.. EWAN lang.. OK lang... Pera nalang kung ka close kita and I'll tell you how I really feel about the exam. Magaling ako mag estimate, di pa na checheckan ang papel alam ko na scores ko because im counting my sure answers +/- margin of error.
Siguro madali nga lang..... tama nga sila. Siguro mahirap nga, tama rin yung iba. Pero wag naman sobrang dali.. pag sobrang dali dapat perfect mo yun or maka 90+ ka. Ako kasi pag sinabi kong sobrang hirap... 65-75 makukuha ko, Pag sobrang dali 90+, Pag madali 85+, pag mahirap lang.. around 75-80.
Nakakamatay ang pag aantay, Hindi ako maka move on. Balak ko sanang mag review na ng NCLEX kaso hindi kaya, Wala rin akong matututunan dahil ang isip ko lumilipad... Ano na kaya resulta ng board? Pasado kaya ako? Na technical nga kaya ako?
Basta... Relax lang ako. Kain, tulog, nood, laro... at hindi ako mag aaral. I will give my self a good break deserving naman kasi sha... I reviewed for 350 Days, I never had a break para lang sa local boards. Last na movie na napanood ko yung The devil wears prada... matagal tagal na rin yun.
I am wishing everyone good scores... not only passing scores. Unwind while waiting :) Sana makapasa tayong lahat! Kasi masakit na may makita akong naiiwan.... It breaks my heart.
Good day!
--------------------------------------
Budek Thoughts : Meron pa akong ginawang diary letter ko, pero that was dated June 05 pa 2006. I post ko din sometime. Masarap kasing balikan yung mga sinulat mo before, naalala mo yung mga emotions and feelings na nasasa loob mo and mas na aappreciate mo yung relief na nararamdaman mo after all the hardships. Pasensya narin sa mga words na ginamit ko, pag kasi alam kong sarili ko lang ang nakakabasa... medyo hindi ako selective sa words. Ayaw ko namang i edit para maging General Patronage, mawawala yung essence of genuiness.