It has to go in a custom footer (not html module) to work*. The source, which also has some interesting thoughts on the desirability of disabling right click, is below: http://javascript.about.com/library/blnoright.htm *Using in a custom footer:replace all code in xslt box with this: ]]>

QUICKLINKS : CHAT RULES / PINOYBSN FORUM

Saturday, July 01, 2006

The NCP that made a hospital owner BOW to a nursing student... almost!

Ito ang NCP na hinding hindi ko makakalimutan. When our group stayed in SANTOS GENERAL HOSPITAL in malolos for a duty, we are required to present a case study based on our patient at the last day of our duty. Ang patient ko noon ay isang matandang na stroke. Ako ang naka duty sa ICU noon. So as usual, ang mga ginagawa ko ay V/S , NGT Feeding, nililinis ko si tatay, pinapakain, dinadamitan at nag pupulse oximetry.

Ang nurse naman na naka duty noon eh wala lang, parang invisible. Nag chachart lang sha with matching patanong tanong to test our knowledge. Kasama ko sa duty noon ay ang aking ate na classmate ko rin.

So dumating na ang last day, at natapos ko na ang aking NCP. Ako ang tipo ng studyante na 3 days bago makatapos ng isang NCP kasi talagang ginagandahan ko para walang makitang butas, although kaya ko rin naman gumawa ng ncp sa loob ng 5 minutes kasi usually sa exam required na gumawa ng NCP sa ganoong kabilis na time.

So natapos ko ang NCP, you can download it here : NCPBudekSantosGen.doc


So as usual, i didiscuss namin yung NCP at ako yata ang isa sa huling tinawag. So chika chika lang habang dinidiscuss ko ang NCP humirit si Dr. Santos , yung owner ng hospital.

Dr. Santos : How can you assess the placement of the NGT Tube? Wag ka mashadong malikot bat paikot ikot ka. [Coz nilalaro ko yung chair dahil umiikot sha sarap mag pa ikot ikot] Wag kang kabahan.

Budek : Ay! [Sabay ngiti, pati mga groupmate ko tawanan] Well, we have 3 different ways to assess the placement of an NG Tube sir. One is via aspiration of the fluid and testing it with the litmus paper. If the return is acidic, definitely it is from the stomach. The paper will then turn to Red. We should then return what we aspirated as not to disturbed the fluid and electrolyte balance of the patient.

Second, We can introduce air via the asepto syringe and auscultate for the bubbling sound in the mid epigastric area. If we heard a gugrling sound in the epigastrium, Then the NGT Must be in the stomach, although we cannot certainly assure it, that is why we have the 3rd step which is the Confirmatory test to determine the NGT placement, which is Chest X-ray which is not usually done in the philippines kasi nga its not that cost effective.

Dr. Santos : Wow ha, kumpleto. What is it in the NGT tube that made it visible sa X-ray?

Budek : [Honestly di ko alam, so birit nalang at nanghula] Well, The manufucturer really intended to made the tube opaque as to not allow light to pass during X-ray making it visible in the film.

Dr. Santos : Wow talaga! ang ganda ng ncp mo talagang practical. Matalino ba talaga to? [Tanong nya sa mga classmate ko]

Mga groupmates : Sir opo, future topnotcher po namin yan sa board exam! [ mga loko loko talaga]

Budek : Hindi naman [hiyang hiya]

Dr. Santos : O sige last question nalang, pag nasagot mo ito BAW ako sayo. [Aba talagang nang dadare] What is the normal caloric requirement for an adult individual?

Budek : [ Diyos ko day, eh nababasa ko yan sa likod ng mga chichirya at noodles na kinakain ko no ] Sir, the average daily requirement for an adult individual is 2,000 to 2,500 calories per day.

Dr. Santos : [Na nangiti parang feeling nya mahirap yung tanong nya at ang galing galing ko talaga] Wow talaga, grabe ang galing mo naman, basa ka siguro ng basa?

Mga groupmates : Wow naman debu galing galing mo!

Budek : hindi naman over naman tong mga to.

Dr. Santos : O last na tanong na, pag nasagot mo talaga ito talagang BAW na ako sa iyo.[Teka kala ko ba tapos na yang tanong mo at BAW ka na sakin?] Kung ako ang patient mo, Paano mo i didistribute yung 2,000 calorie na yan?

Budek : Sir diba mas marami dapat carbo then protein at fats ?

Dr. Santos : Hindi nga, yung exactong number gusto kong makuha. Ilang calorie bawat isa?

Budek : Sir anong patient ba? diabetic or mga nagpapagaling? kasi diba depende eh.

Dr. Santos : Hindi mo alam no?

Budek : Ahmmmm... hindi ko alam sir eh. [Nag give up na ako hindi ko alam ano gusto nyang sabihin eh]

Dr. Santos : O, risearch mo yan ha then tell me tomorrow ha.

Then after the presentation, kinamayan nya ako and sabi nya wag ko raw shang kakalimutan pag nag top ako [As if naman] at pinakilala nya ako at pinagmayabang sa mga doctors at nurses sa hospital dahil lahat daw ng tanong nya nasagot ko.

Ohhhh what a feeeeeling ! After the event nagtatago na ako nahihiya kasi ako hindi ako sanay sa spotlight. Then i researched on the answer, that he meant pala is paano ko i divide yung 2,000 calorie between protein,carbo and fats which is 4 , 4, 9.

Pero it was really complicated , kailangan ng calculator. computing the caloric breakdown for a 2,000 calorie diet we need to divide 2,000 by .5 .3 and .2 to measure the calories between carbo, fats and protein.

2,000 x .5 = 1,000 from carbohydrates
2,000 x .3 = 600 from fats
2,000 x .2 = 400 from protein

So we had an intake of about 250 grams of carbohydrates. 67 grams of fats and 100 grams of protein. Balance? Balanced!

250 grams x 4 = 1,000 calories from carbohydrates
67 grams x 9 = 600 calories from fats
100 grams x 4 = 400 calories from protein


Sayang, kung nasagot ko sana! pero ang hirap talaga hindi ko alam yan during that time medyo nalimutan ko na yung nutrition ko :) dont forget that ha baka matanong ka rin diyan.

Friday, June 30, 2006

Site name and address changed

From Nars Budek naging Pinoy BSN. I want a more general approach. My goal is to provide resources for students to use to be the best with their studies. I'll try to make NCPs, Quizzes and Exams that will help the future and current students. I really love answering examinations as well as collecting sample questions sa ibat ibang sources. I'll try to share it to the world and we will rationalize them together.

about NCPs, may magaganda akong NCPs na pinresent during my 4th year days, ill try to find them so i can post them and hopefully, makakuha yung students ng mga ideas.

Keep in touch and tell me what you need and hopefully, I can provide it for you. If you need help with anything, let me know!

Update your bookmarks. New address is
http://www.pinoybsn.tk or http://www.pinoybsn.blogspot.com

Wednesday, June 28, 2006

10 Essential tools to TOP your university’s nursing pre-board examination part III

6. DOH Website [ http://www.doh.gov.ph/ ]


Ma pa board exam man or preboard, ito ang website na kailangang I MEMORIZE. I scanned the previous board exam, MOST of the “weird” questions are found sa website na ito. One example is the MARBURG virus that was asked during the 2004 yata or 2005 board exam. Other common questions are the Morbidity and Mortality figures which are found sa website na ito.

Tanda ko pa ang tanong sa preboard ng Fatima is yung common cause ng morbidity at mortality , pati narin ang mga formulas ng maternal mortality rate etc. Makikita mo naman ang figures sa DOH Manual pero outdated. Ang leading cause of morbidity today is PNEUMONIA na not diarrhea pero kung titingnan mo yung DOH manual mo diarrhea pa rin nakalagay. So make sure updated ka sa FHSIS info which is found sa DOH website. Mali po ang sagot ko kasi DIARRHEA ang sinagot ko e pneumonia na pala. Susunugin ko talaga yang DOH manual na yan.

Another common questions is yung mga PROGRAMS. Like sang milyong sipilyo, sentrong sigla, mag pa DRE tayo pare. Kaunti lang ang programs sa DOH Manual unlike sa website, kumpleto halos doon. Read about the programs of the department of health and understand it. Question before was about SANG MILYONG SIPILYO. Ano daw ang paraan ng sang milyong sipilyo program para mapatupad ng maayos ang programa. Answer is SOCIAL MOBILIZATION kasi hinihikayat niya ang SOCIETY para mag donate ng mga toothbrush para sa mga hindi makabili. Pag mag dodonate ng sipilyo wag yung HAN CHANG ha, yung mga sipilyong made in china na parang alambre dahil ang titigas. ORAL B naman dahil baka pagduguin mo pa bibig ng gagamit nung toothbrush mo murahin ka pa non.

Dapat alam mo rin kalian nagaganap ang mga programs na ito. Like Cancer awareness month, Nutrition month, AIDS month at IWAS PAPUTOK. Baka naman magkamali ka pa sa iwas paputok isagot mo February ha shempre December. Masarap basahin ang website ng DOH hindi ka aantukin talagang detalyado at simple lang.

May mga articles din ang DOH about the health news from various newspaper. LIBRE ang mga ito so basahin ninyo [ HEALTH NEWS CLIPPINGS ]. Hindi naman ito lalabas sa preboard pero sa board exam LUMALABAS po. I still remember a journal from MANILA TIMES year 2003 ata iyon na pinagkuwaan ng tanong. The question asks about what MINERAL works with VITAMIN E to strengthen the immune response. Answer is SELENIUM.

Andito rin sa site na to ang mga info about BIRD FLU, MENINGGOCOCCEMIA at mga NEW PROGRAMS na pwedeng itanong. Tinanong ano raw program ang nagbebenta ng murang gamot sa mga kababayan nating gusting makamura. Answer : GMA 50. Wala nyan sa DOH Manual pero nasa website.

May bagong program nga ang DOH dahil kulang na kulang ang mga doctors sa mga barrios sa province. Nako baka itanong din yan, the DOCTORS TO THE BARRIOS program. Hindi ko alam kung tinanong na ito sa board pero bago lang yung program kaya baka itanong sa future questions.

Under the DOH website is the FHSIS website [ FIELD HEALTH SERVICES INFORMATION SYSTEM ] Papaputol ko ang kuko ko sa paa pag walang tinanong sa FHSIS website. Ito nga yung sinasabi ko na mortality, morbidity and other DEMOGRAPHICS about the Philippines. Always answer using that website dahil OUTDATED Po ang FHSIS ng ating DOH Manual. Sunugin na talaga yan!

7. Previous Board Exam Questions



Unang una, hindi naman inuulit ang tanong pero NAUULIT. Yung alma ata Russia na yan ilang beses na ulit. Yung mga EO, RA, LOI, Vision, Mission at kung ano ano pa. Dapat nabasa mo ang board questions during the past 5 years. You can buy this sa mga tindahan sa tabi ng PRC meron mga yan. I managed to get a copy of board exams from 1988-2005 and I tell you, compare sa NCLEX questions na binabasa ko, para akong bumalik sa grade 1 dahil napaka straight to the point ng mga board questions. Not really EASY pero the questions wouldn’t require you to think. Pag hindi mo talaga alam, MALI KA NA unlike in NCLEX na iimaginine mo pa yung situation and pwede kang manghula.

Examples :

[ December 1992 board question ]

Which of the following is not an adverse effect of anti-psychotic drug?

A. Sedation B. Hypertensive Crisis C. EPS side effects D. Anti cholinergic Side effects

[ NCLEX Question ]

Which of the following sign and symptoms of client taking CHLORPROMAZINE [ THORAZINE ] Will require the nurse to report the symptoms to the physician?

A. Tongue protrusion B. Dry mouth C. Blurred Vision D. Wry neck

Comparing the question, look at the local board… GENERAL ang approach nya. Antipsychotic drugs has EPS and ANTICHLONERGIC side effects so I will remove those options first. Sedation is another side effect ng anti psychotics because of the disturbance of neurotransmitters.

Hypertensive crisis is seen sa mga ANTI DEPRESSANT, particularly, sa MAOI right? What we see sa neuroleptics [ other name ng antipsychotics ] is the NMS or neuroleptic malignant syndrome. So B is the right answer.

Looking at the NCLEX Question, compare sa approach ng local, sobrang HIRAP ng approach sa Nclex. According nga kay Sir Allan Santos [ Board topnotcher 2005 ] na ¼ lang daw ang hirap ng local compare sa NCLEX and I will agree. Dito specific ang drug na tinatanong so pag hindi mo alam kung ano ang classification ng thorazine hindi mo masasagot. Sa local board, kinlassify na sha.

Ngayon looking at the choices, you need to CLASSIFY nanaman ang choices.

Dry mouth and Blurred vision are all ANTICHOLINERGIC Side effects of the drug therefore, eliminate mo na dahil it is NORMAL. We could use an eye drops na ipapatak sa eyes para ma lubricate ang eyes to relieve blurred vision and pwede nating bigyan ng ice chips or sugarless gum ang ating patient to relieve dry mouth.

Wry neck is a DYSTONIC side effect of the drug. We can give the client drugs to relieve Dystonia like BENADRYL.

Tongue protrusion is a sign of TARDIVE DYSKINESIA, of all the side effects of neuroleptics, TD is the one that would force the physician to stop using the drug indefinitely because TD is IRREVERSIBLE.

So now you see the reason bakit gusto ng mga prof nyo na kumuha from NCLEX rather than local. The more you train kasi sa harder question ng NCLEX, the more SISIW the local boards will be. Hilig ng Fatima na kumuha ng question sa previous board, WORD PER WORD po kinuha ni sir Vasquez ang some questions nya sa aming preboard from the 1992 board exam and nalaman ko lang AFTER ko na mabasa, which is SAD kasi sayang! OB pa naman ako mahina.

MOST of the questions ng preboard are taken from NCLEX and PREVIOUS BOARD so make sure you read previous board questions bago ka sumabak. Fatima do not like making new questions, most are recycled from MOSBY, SAUNDERS, LIPPINCOTT + LOCAL BOARDS. The book of SIA will help. SIA’S NURSING QUESTIONS AND ANSWERS I , II, III collects selected questions from 2004 and 2003 board questions and she will rationalize it for you. Although may mga MALI siyang sagot, most naman ay tama. Usually nagkakamali si SIA sa mga questions na may EXCEPT at sa mga Questions na WALANG REFERENCE [ meaning, subjective kung sino gumawa ng tanong siya lang ang makakasagot ]

Example :

Diagnostic assessment of Mr. Gary would probably NOT reveal [ talking about LEUKEMIA ]

A. A predominance of lymphoblasts C. Abnormal blast cell in the bone marrow
B. Leukocytosis D. An elevated thrombocyte count

Ang sagot ni SIA is B. Leukocytosis. But the right answer is D. An elevated thrombocyte count.

Because LEUKEMIA is an abnormal proliferation of immature WBC right? The WBC is so immature that it is not effective in dealing with foreign antigens. The proliferation of WBC CROWDS out the rest of the cell and will cause the THROMBOCYTE to decrease. Leukocytosis is the increase in WBC and will be present in leukemia. LEUKOCYTOPENIA is the one na hindi makikita sa leukemia.

There are around 6 more questions na medyo na lito si SIA in his TEST III [ meron ding errors ang I and II ] book dahil sa mga except except na yan. Dapat hindi ka basta tanggap ng tanggap ng rationale, always check and verify using your own knowledge and resources. Pero I recommend her book.

Mapapansin nyo rin sa book nya na MOST OF THE RATIONALES are taken from the DOH website and her books. Sabi ko sa inyo important ang DOH website eh! Yung book nya naman ng OB and PEDIA maganda rin around 1 cm thick and small frame siya, pero not worth reading as I said, EXAM QUESTIONS na lang ang basahin ninyo then refer to WONG or PILLETERI if you want to know more about the topic.

8. Final Coaching materials of the previous batch.

Maging FRIENDLY ka dapat sa mga 4th years. Dapat may BEST FRIEND ka atleast isa na fourth year student. Siya ang mag susupply sa inyo ng mga previous final coaching materials bakit? Kasi doon din kukuhain ng university nyo specially ng Fatima ang mga tanong sa compre at quali. [ preboard exams ] Ito rin yung mga tanong na I rerecycle sa susunod na preboard so you better get a hand of those. Ako kasi kumpleto when it comes to these things eh, I make sure na makukuha ko lahat lahat ng binibigay ng institution dapat ganun ka rin.

I remember that the materials given during the final coaching of FATIMA December 2005 was RECYCLED and became the COMPREHENSIVE EXAM [ First pre-board ] of the next batch. Alam ko kasi I got a hold of the final coaching materials given during December 2005 and SADLY, I haven’t read it kaya galit ako sa mundo after that examination. Minumura ko nga si Maam bautista sa isip ko eh kasi kinuha lahat ng psyche exam doon sa final coaching nya. Pero favorite teacher ko si Maam Bautista ha. [ pambawi baka may magsabi kay maam bautista I-ECT ako.]

9. Review center examinations [ Pentagon, Gapuz, Oracle, St. Louis, etc. ]

Tandang tanda ko pa na LAHAT LAHAT LAHAT ng inexam namin tungkol sa RESEARCH during our QUALI [second pre-board] are taken from PENTAGON’s research questions. Swerte ko binasa ko kaya natuwa naman ako. Around 30 items yata ang research at 100% are taken from pentagon’s examinations. Buti nalang may pentagon materials ako that I asked from a friend of mine na nag review sa pentagon.

Pero usually naman na galling sa mga review centers na ito are taken rin from previous national board exam. Pero if you have a chance to get a copy of this review materials, Get them and read them.

10. Prayer



Shempre mawawala ba ang prayer? Bago ka mag exam always make sure that you PRAY with all your heart and clear intentions. There can be miracles you know when you believe. Although hindi ako madasaling tao, Everytime na mag e exam nagdadasal naman ako. Siguro sa loblob ni God sa akin Letse ka, magdadasal ka lang tuwing exam!

Honestly, when you pray…. Bababa ang anxiety mo because prayer is a source of CONSOLATION. Anxiety interferes during the exam, anjan yung PARA at SYMPA effect that are affected by the rising level of anxiety. Tremors, Tachycardia, Increase peristalsis, stimulation of the detrusor muscle and contraction of the bladder. [Dapat memorize mo ang effect ng para at sympa] Kaya pag ninenerbyos ka na wiwiwi ka sa salawal mo. Mag diaper ka honestly, ano gusto mo bumagsak O tumambok ang pwet? [ Ano nga ba yung brand ng adult diaper? Dr. something yun e ] alam mo naman no ang feeling ng ihing ihi diba? Nag iinit ka, di ka mapakali, ayaw gumana ng utak mo mamumura mo yung tubig na ininom mo kaninang umaga basta!!! Babagsak ka pag nangyari sa iyo yan kahit kasing talino mo pa si Einstein.

Eh lalong masama pag nag peristalsis ka habang nag eexam. Normal lang naman ang peristalsis ang masama pag over active. I can’t imagine and I don’t want to imagine ano mangyayari pag ito nangyari sa akin. bawal po lumabas during the exam.

So to sum it all, Prayers and Diapers ang number 10. Remember, sa preboard at board, future mo na ang nakataya kaya dapat give your best shot. Pag bumagsak ka ng preboard sorry, di ka makakatake ng board… sayang naman.

Monday, June 26, 2006

10 Essential tools to TOP your university’s nursing pre-board examination part II

3. Saunders Q&A Review for the NCLEX-RN Examination 3rd Ed.

Kung may puto at dinuguan, may brad pitt at angelina jolie at may juday at piolo, ganun din sa review materials. May saunders at brunner. Sila ang perfect combination. Itong Saunders Q&A ay question format. Sa unang bahagi nito, tuturuan ka about how to take NCLEX exam and how to prepare. It will familiarize you sa CAT or the computerized adaptive testing. Since wala naman nyan sa mga preboard ng schools skip it diretso ka na sa mga questions and answers.

Every page may 2 questions and then may rationale sa gilid. Kaya medyo nakakapikon you cannot use it to test your skills kasi nakikita mo yung sagot dahil magkatabi lang ang question at rationale side by side, Unless na kakareerin mo at with matching takip ka pa sa gilid ng book, pwede rin yon kasi ganun ang ginagawa ko. Ngayon to compensate for that, nilipat naman nila yung mga questions sa CD-ROM na kasama ng book. The book is around 1,500 pesos, pag pirated bibilin mo less than 300 lang. [ Di ko sinasabing bumili ka ng pirated ha, sinasabi ko lang na meron] although not all questions ay nasa CD ROM.

Siguro madadagdagan ang IQ mo pag na sa puso mo itong book na ito. Kahit sino ang tanungin mong nag NCLEX, LOCAL at CGFNS ito din ang book na i rerecommend nila. DITO sa book na ito favorite ng mga preboard examiners kumuha ng tanong. Siguro iibahin nila ng kaunti pero the essence is the same.

Ang pag aaral ng mga Q&A format dapat hindi mo i sasaulo. Isapuso mo dapat. Pag tinanong sa iyo ang tanong, wag mong memorizin ang sagot dapat ALAM MO bakit iyon ang sagot. Dahil pag ka alam mo ang rationale at bakit iyon ang sagot, everything will follow. Kahit balibaliktarin ka hindi ka nila maloloko.

Saunders also released yung COMPREHENSIVE REVIEW nila. The format is parang SUMMARY ng brunner. The nursing intervention, treatments, diagnostic tests on common MS topics. I don't recommend na this one kasi I don't think may time pa para matapos mo ito. Supposedly dapat puro test questions na ang inaaral ng isang student na mag pre-preboard.

The CD rom that came with the book is a NICE tool. Although time consuming siya dahil ang dami daming tanong, mainam siya to assess yourself. The questions are broken down to different categories. May funda, pedia, ob and the MS topics : respiratory, cardio, renal, musculoskeletal etc. You can do a topic for 2 days, you can finish the CD rom if you will study everyday for 34 days since there are 17 topics to choose from. There are 600 questions in the PHARMACOLOGY [ the most ] and around 90 questions sa EARS and EYES [ the least ]

However, Yung PHARMACOLOGY questions are distributed naman on every topic so once natapos mo lahat, you can just review the pharmacology inulit nalang naman sha from cardio, psyche at lahat lahat ng tinake mo.


4. Lippincott's Review for NCLEX-RN 8th ed.

Dito sa book na ito pinakamaraming kinuha ang Our Lady of
Fatima University when it comes to MS at Psyche. Sa Pedia hindi pa ganon since si Sir Vasquez, our coordinator na gumagawa ng pedia at OB question, Like to get questions sa previous board exams. Sila Maam Bautista[Psyche] at Maroma [ MS ] dito kumukuha nga
mga questions WORD PER WORD.

There is even a time na 25+ questions ang nilift WORD
PER WORDni Maam Bautista sa aming Final examination ng Psyche from Lipincott. Gusto kong magwala noon eh nung sinabi sakin kasi di ko naman hilig magbasa ng mga makakapal ng NCLEX reviewer, which is a mistake
on my part.

Dapat 1st year ka palang nagbabasa ka na nga mga NCLEX reviewers, Diyan at diyan lang kukuha ang mga prof nyo ng examinations maging preboard man yan or quizzes or the final exam.


Nagsisisi nga ako hindi ko ginawa yun ng first year palang ako, na adik kasi ako sa mga online games. Now I learned my lessons well. Kaya ikaw kung naglalaro ka ng mga online games, TIGIL mo na yan ngayon palang walang mangyayari sa life mo.

The format of Lippincott is the BEST among the rest. It is arranged per patient's category. So lahat ng may cleft palate, mag coconcentrate sa isang page. Hindi siya halo halo unlike Saunders. Sabi ko nga nakakabwisit ang Saunders kasi yung sagot katabi lang ng tanong kaya nakaka frustrate. Sa Lippincott's kasi, tatanungin ka nya ng average of 100 questions, and then rationale will proceed after you finished the 100 questions.

The book also comes with a CD-ROM. Same questions din naman mas kaunti lang at medyo may dinagdag sila. Iba ang interface nya sa Saunder's CD-ROM. Mas maganda yung Saunder's kasi MACROMEDIA FLASH ang gamit kaya madali at smooth ang transitions. Sa Lippincotts kasi ang pangit may mga sidebars pa sa kaliwa at parang cheap na programming language yung ginamit, parang VISUAL BASIC ata sha. Pero sa tanong and categories ganun din naman sila ng Saunders, environment lang ang pinagkaiba.

around 1200 ang questions ng Lippincotts CD-ROM. Ang saunders, same lang din although mukhang marami kasi inuulit ulit yung tanong. TB nga tinanong sa Urinary system sa saunders, which was repeated and taken form the Respi.

The categories of Lippincotts CD-ROM are 4 lang. MS,Pedia,Psyche at OB. Unlike Saunders, Dumami yung MS according to the system. When it comes to the EVALUATION, mas maganda ang Lippincotts mag breakdown ng strengths at weakness mo. Gumagamit pa sila ng CHART unlike sa Saunders na percentile lang. Sasabihin doon kung saan ka mahinang area. The best and Lippincotts, na overshadowed lang sha ng Saunders kasi maganda ang feedback ng mga Saunders Users.

Kung ako papapiliin, Content wise, Ill go with Saunders mas mahaba ang mga rationale mas detailed ang explanation and sobrang ganda ng feedback. Pero parehas lang naman silang makakatulong.


5. MOSBY'S COMPREHENSIVE REVIEW FOR NCLEX-RN 18th ed.

Kung may tito,vic at joey at APO hiking society, Sa mga nursing students may MOSBY,SAUNDERS AT LIPPINCOTTS. Ito yung tatlong pinaka malaking publisher ng NCLEX Review materials. Sa ngayon, Ito ang pinagkakaabalahan kong basahin at natapos ko na ang OB,PEDIA at MS. Psyche nalang naiwan.

Ang difference ng Mosby among Saunder's at Lippincotts, mayroon shang SUMMARY ng LAHAT LAHAT. From OB to Pedia until MS diniscuss nya. Para siyang yung kay ALICE STEIN na NCLEX reviewer din [ NCLEX Reviewer din yun ]. Hindi puro tanong, mayroon siyang mga introduction and topic discussions na broken down sa DATA BASE at nursing process. The DATA BASE contains the definition, sign and symptoms [ if disease ] and etiology. The nursing process contains your nursing interventions.

After the chapter, tsaka ka nya bibigyan ng questions about sa chapter. Chapters are according sa 4 main areas ng NCLEX [OB,Pedia,Psyche,MS] Pinaka marami sa MS which has around 900 questions. The rest has around 300 to 400. The first part is about taking the NCLEX exam, second part is about FUNDA and LEGALITIES in nursing which I dont think babasahin mo because iba ang practice sa Philippines. Skip ka na sa chapter 3 which is MS.

Ang problema lang sa MOSBY, may mga questions na WEIRD at CONFLICTING. here some examples.

Ano raw ang pinaka importanteng component ng HANDWASHING?

A. Water B. Friction C. Sabon D. Nalimutan ko na.

Sinagot ko is, shempre TUBIG. miski wala lahat yan nag huhugas ako ng kamay gamit ang tubig lang miski naka steady lang ang kamay ko pa rinse rinse nalang.

ANSWER : FRICTION

Bakit raw? Pangit ng rationale, Friction is necessary for removal of microorganisms. ayun lang.

Sa loblob ko lang, kahit magdugo kamay ko kaka kaskas parang andun parin ang dumi. Unlike water, miski lagay ko lang kamay ko sa water parang nalinis na. pero remember, wala tayong karapatang mag argue kasi sila ang gumawa ng tanong right? so Friction is the right answer.

At ito pa, isang confliction question.

Ano raw dapat ang MAXIMUM height ng colostomy irrigation bag?

A. 6 B. 12 C. 18 D. Nalimutan ko nanaman.

This time, tama naman sagot ko... which is 12. Yan kasi ang turo sa Funda namin sa Fatima. Pero according to BRUNNER and SAUNDERS, 18 inches is the maximum height of a colostomy irrigation bag. SHOULDER level nga eh from the legs pag nakaupo ang patient sa kubeta.

So sino papaniwalaan ko si Mosby or si Brunner at Saunders? Talo si mosby dalawa nagsasabi na 18 inches. Tinanong din ito sa national board exam may 12 inches at 18 inches rin. So kanina nga tayo dapat maniwala? Mas pipiliin ko yung 12 kung sa local at 18 kung sa NCLEX.

By the way, may CD-ROM din ang MOSBY and same na same sha ng interface ng Saunders pero ang category nya ay apat lang, MS, Pedia, OB at Psyche.

To be continued ulet, masyado ng mahaba. Baka umabot ito ng part IV.

Sunday, June 25, 2006

10 Essential tools to TOP your university’s nursing pre-board examination

Unang una, Wala akong karapatang sabihing essential tool to top the national board examination kasi hindi pa naman ako nag take diba?
At sino naman ako para mag predict na mag Totop ako? So, 10 essential tools nalang to top your university’s nursing pre board.

I graduated April 2006, supposedly dapat mag tatake na ako ng examination this June pero I prefer not to kasi gusto ko pang mag aral.
I think hindi pa sapat yung knowledge ko para makakuha ng rating na mag sasatisfy sa akin.

Top 4 ako last preboard ng Fatima [ May 2006 Pre board ] Out of thousands na nag take. Originally if im not mistaken, nasa 2,000 ata ang 4th year students na Fatima Valenzuela. The topnotcher got 77% , I got 76%. And 1% is equal to 5 points, So hindi naman ganung kalaki ang diprensya. [ Oo na budek , Oo na matalino ka na! ]

First of all, lets talk about the passing. 75% is not 75%, it depends on the median or the rating ng majority. So don’t think na kailangan maka 75% up ka sa mga university pre board because hindi nila dun yun I cocompute. Even NCLEX, hindi sila nag fofollow ng rating approach.

The highest in Fatima Lagro during that preboard will not qualify sa top 20 ng Fatima Valenzuela though, same examination ang hinanda so iba rin ang passing nila. Below 75% yung highest nila doon so ibig bang sabihin nun bagsak ang buong batch? Definitely hinde. Inaadjust ng mga prof nyo yan, nadadaan yan sa mga meetings.

Let’s start na.

1. DOH COMMUNITY MANUAL


Parating tinatanong ang immunization mga missions, visions, principles at halamang gamot. Kung may time ka, memorizin mo lahat lahat ng nakalagay dito. Especially yung HOME VISIT part and the bag technique as well as thermometer technique. Ang mga lumalabas so communicable diseases dito rin ni lilift usually ng mga professors ninyo. So wag na kayong maghagilap ng kung ano ano about CD. Yang mga lagundi at ulasimang bato na yan sobrang favorite. Hindi pwepwedeng walang halamang gamot na tinatanong sa mga preboards.

Kung matindi ang pangangailangan nyo at may oras naman, memorizing nyo yung FHSIS CODES. Matatagpuan yon sa bandang likod. I read yung mga previous board exam question na nagtanong ano raw ang code sa mga Maternal Death. May Mnemonics ako diyan siguro ilagay ko sa Blog ko next time. Kaya yan I memorize ng mga 1 hour kung alam nyo yung Mnemonics. Hindi naman ilalabas ng mga prof nyo sa preboard kasi mashadong brutal na yan. Pero nilalabas yan sa National Board.

Andito rin sa manual yung RA 9173. basahin nyo rin yon. Very important ang book na to. Sa ngayon, ang DOH Manual ang best friend mo. Ngayon pagkatapos nyong makapag local board SUNUGIN NYO NA. Imbitahan nyo ako gagawa tayo ng malaking BON FIRE ng DOH Manual. Lahat ng nursing students sa buong pilipinas mag diriwang. Mag invite na rin tayo ng Guinness para sa WORLD LARGEST BOOK BURNING EVENT. Nakikinita kinita ko na ang headline, siguro nasa 1 million books ang masusunog. Kaya natin yan! Wala pang record nyan. Yung malilikom natin na salapi sa event ipambili natin ng bagong mga DOH Community Manual books at I donate sa mga freshmen, tutal outdated na mga DOH manual natin panahon pa ni kopong kopong yung akin. [ Shempre, sabay bawi… maya ma karma ako nyan bumagsak pa ako ng board! by the way, kilala mo ba si kopong kopong? buti pa sha may era sa philippine history ]

2. BRUNNER & SUDDARTHS MEDICAL SURGICAL NURSING

Pag dating sa MS, ito ang reference ng karamihan sa mga universities sa buong pilipinas. Ito yung 2 volumes na dalawang dangkal halos ang kapal. May kasama itong CD-Rom na NCLEX style ang mga questions. Hilig nga mga gumagawa ng exams na kopyahin yung mga tanong sa CD-Rom word per word. Marami na akong na encounter na tanong na ni lift sa CD Rom ng Brunner. Usually, nag sisisi ako kasi bago ko malaman huli na ang lahat.

Hindi ko sinasabing basahin nyo lahat ng nasa book dahil baka after 10 years ka pa maka take ng board exam kung tatapusin mo itong basahin. Wag naman, Use it as reference lang kung may hindi ka maintindihan. Eh kung lahat hindi mo maintindihan eh mag UDAN ka nalang, baka ibig sabihin non pang UDAN lang ang kaya ng powers mo. [Joke lang, lam ko namang matalino ka]

Pag wala ka nang time honestly totoo yung sinabi ko, Yung MS Book ni Maam Udan, Yun nalang basahin mo. It is Concise and Comprehensive with matching test questionnaires pa at the end of each chapter. Usually mga pathophysiology ang makikita nyo sa mga chapters. I recommend it kung talagang mabilisan. Eh ako kasi I have 6 months pa to study so nabuklat ko na halos ang lahat ng pahina ng brunner with matching pa taas taas pa ng paa walang bahid ng pagmamadali.

Usually na tanong is yung mga Diagnostic procedures sa bawat system gaya ng cardiac cath, swanz ganz, angiographies, arteriogram, Mga COPY like laryngoscopy, endoscopy, bronchoscopy at kung ano ano pa na may COPY. Don’t forget mga care ng patient with contraptions ha and the nursing interventions. Hindi nawawala ang mga colostomy, trachestomy and catheterization at ang walang kamatayang health teachings. Dont forget ang mga dapat tandaan during BRACHYTHERAPY kasi once alam mo yan, madali nalang ang lahat ng malignant neoplasms.

Sa medications, usually na lumalabas are digoxin, NSAID,IV Fluids, anti-cancer drugs at ang IRON na favorite sa OB at Community. Degenerative diseases paborito ng inyong university examiners. Kasi tumatanda na rin yang mga yan eh at gusto tayong i prepare sa mga degenerative diseases like DEMENTIA pati yang Parkinsons, the all time favorite degenerative disease.

Pag STD tinanong malamang sexually active pa yung gumawa, Pag puro degenerative, yan yung dean nyo na nagkaka dementia na. [ naniwala ka naman, walang kinalaman yun ha ]

Napaka vague kasi ng MS, and ito ang bulk ng exam. Pag magaling ka sa MS usually, Mataas ang score mo. So I suggest devote your time sa MS. Unlike Community, ang MS is universal, magagamit mo yan sa NCLEX at CG. Sa community kasi napaka local ng setting. Ang lagundi dito ay hindi lagundi doon, at ang ubo dito ay hindi ubo doon [ oo tama ka, sa commercial mo yan narinig... iniba ko lang kaw naman.]

Actually MS ang pinaka matagal ang session sa mga review centers eh. Sa amin it lasted for 1 week, while other subjects usually lasts for 2 days lang.

To be continued……………………

Mga issues noong July 2006 nursing board exam


Dami daming chismis about sa leakage ng gapuz at ng PCHS ba yun? hirap na hirap akong memorizing yang acronym ng school na yan nag kaka balibaliktad ko. About sa leakage, hindi naman daw totoo yun sabi ng PRC, impossible daw yun kasi mangyari naka quarantine daw yung printing vicinity guarded ng PNP at NBI pa raw.

Pero yung balita talaga na kung ano ano labas pa rin ng labas. Di ko tuloy alam kung ano ba talaga totoo. Ito naman kasing gapuz nag lalabas pa ng review materials ng gabi na eh before ng exam, yan tuloy kala siguro leakage. Pero may mga kakilala ako sa gapuz na wala naman raw leakage na binigay, Sabi naman nung mga hindi taga Gapuz, meron daw. Eh di maniniwala ako sa mga nag Gapuz mismo.

Sabi ng mga schoolmates ko from Fatima, Valenzuela na meron nga raw mga lumalabas na 5 to 20 points sa mga ibat ibang review centers. Pero diyos ko, sa libong tanong na itatanong sayo ng review center malamang may lumabas nga eh iyo't iyon din naman ang mga tanong sa nursing licensure eh. Usually pa word per word kukuhain sa DOH community manual at DOH website di ba? Mga walang kamatayang Lagundi at Akapulko na yan, Pati DOH Programs like EPI.

May text pa na kumalat na uulitin daw yung exam dahil may leakage sabi ng PRC at kasabwat daw ang Fatima at PHCHS [ ano nga ba ulet acronym nyan? ]. Mashado talaga nilang ginagawan ng issue. Hindi na ako naniwala nun parang OA na. Wala namang leakage ang fatima dun ako galing eh.

Siguro mga feeling-bagsak yung mga students na yun di kaya? kaya disgruntled at gustong ulitin yung exam..... OR totoo nga'ng may leakage. Pero ayaw ko'ng maniwalang may leakage kasi mag boboard ako sa december, Kawawa naman ako kung may leakage diba unfair on my part.

Goodluck nalang sa mga nag Board sana pumasa kayo. Results will be out daw on the first week of July. Aabangan ko ang mga names nyo! At mag aaral akong mabuti para sa december board exam.

Na kikinita kinita ko na magiging itsura ng mga nanay nga mga babagsak this june.





PBSN Forum


Photobucket 

- Video and Image Hosting

Archives

Links