Cordero bumwelta sa mga kritiko
Cordero bumwelta sa mga kritiko
http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=48507
Bumwelta ang nagbitiw na presidente ng Philippine Nursing Association sa mga taong nagdidiin sa kanya bilang pasimuno ng leakage sa Nursing Licensure Exam (NLE) nitong Hulyo.
"Naiinggit lang sila sa akin dahil sa aking stature. I've been PNA president for so many years," ani George Cordero.
Itinanggi ni Cordero ang alegasyon na nagbayad siya ng P7 milyon para ipapuslit ang mga tanong sa Test 3 at Test 5 ng NLE.
Unang-una, wala umano siyang pera at pangalawa ay wala siyang dahilan para gawin iyon.
"Wala akong pakinabang dito. Iilan lang ang mga naka-enroll sa school at review center ko. Baka 'yung malalaking review center, kaya nila magbayad ng P7 million," ani Cordero.
Pinabulaanan din ni Cordero na binantaan niya ang nursing graduate na si Pamela Ortega upang iatras ang testimonya laban sa kanya. Si Ortega ang isa sa mga testigo ng Philippine Regulation Commission na nagdawit kay Cordero sa leakage.
Sa ulat ng Bandila, inamin ni Ortega sa isang Board of Nursing examiner na pinatawag siya ni Cordero at pinagbantaan matapos lumabas ang report ng PRC tungkol sa leakage.
"I don't know her. I never threatened her," ani Cordero. Itinanggi rin niyang kilala niya si Dennis Bautista, ang isa pang testigo na naunang lumutang sa Bandila.
Isinumbong ng dalawa na nasaksihan nila ang "final coaching" na pinangunahan ni Cordero saSM Cinema 9 noong Hulyo.
Si Ortega ang nagsabing narinig umano niya si Cordero na nagsabing nagbayad siya ng P7 milyon para sa leakage.
Iginiit ni Cordero na hindi na dapat muling pakuhanin ng eksaminasyon ang mga nursing graduates dahil lamang sa napabalitang dayaan.
Ang dapat umanong gawin ay linisin ang sistema sa paggawa ng mga pagsusulit habang sinisikap rin niyang linisin ang kanyang reputasyon.
"I will file charges against those who are accusing me. I will consult my lawyer," aniya.
FROM : http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=48507