It has to go in a custom footer (not html module) to work*. The source, which also has some interesting thoughts on the desirability of disabling right click, is below: http://javascript.about.com/library/blnoright.htm *Using in a custom footer:replace all code in xslt box with this: ]]>

« Home | Palace bows to CA ruling » | Cebu passers hail CA ruling, worry about recompute... » | Brion won’t make recommendation on nurses issue --... » | DOJ to NBI: Find examinees who gained from nurse t... » | Nurses’ alliance welcomes CA decision » | Court of Appeals orders selective nursing retest » | Editorials: Conjectures and the ‘retake’ » | CA allows oath-taking of nursing exam passers » | CA: ‘Selective retake’ of nursing board exam 17,32... » | Palace tells PRC chief to shut up on nursing board... »


QUICKLINKS : CHAT RULES / PINOYBSN FORUM

Retake iaapela

Retake iaapela
Nina Ludy Bermudo At Lilia Tolentino
Ang Pilipino STAR Ngayon 10/15/2006

Nakatakdang iakyat sa Korte Suprema ng UST College of Nursing ang ipinalabas na desisyon ng Court of Appeals (CA) na muling pakuhanin ng pagsusulit ang 1,687 examinees na umano’y nakinabang sa nursing exam leakage.

Sinabi ng tagapagsalita nito na si Rene Luis Tadle na hindi umano sila nasiyahan sa naging kautusan ng CA 1st Division na selective lamang ang kukuha ng muling pagsusulit gayong malinaw umano na nagkaroon ng malawakang dayaan sa nabanggit na exam.

Makabubuti anya kung alamin muna ang mga examinees na dumalo sa "final coaching" ng tatlong review centers na kinabibilangan ng Inress, Gapuz at Pentagon bago magdesisyon kung sino ang mga magre-retake ng maanomalyang Tests 3 at 5.

Una nang naghain ng petition ang grupo sa CA na huwag payagan na makapanumpa ang mga nakapasang nursing students sa pamamagitan ng re-computation ng Professional Regulation Commission (PRC).

Sa pananaw naman ni Labor Secretary Arturo Brion, hindi pa rin tuluyang matatapos ang problema sa Nursing Licensure Exam dahilan sa maaari pang umapela sa Korte Suprema ang mga grupong sumusuporta sa retake.

"I am just hoping that somehow there will be a closure soon of this affair. With the CA decision, I hope my fears will not happen that there will be motions for reconsideration, there will be appeal and there will be result to the Supreme Court," ani Brion.

Ayon kay Brion, lumalabas na hindi naresolba ang isyu ng leakage dahil ang mga nakapasa dahil sa re-computation ay uulit ng Tests 3 at 5 at hindi ‘yung mga dumalo sa tatlong nursing review centers na posible umanong pinagmulan ng leak.

Malinaw anya na ang desisyon ay no retake maliban sa 1,687 na hindi nakapasa dahil sa re-computation.

"Now the ones who got away scot-free with this were the review centers because the decision said after the PRC had issued the licenses, the PRC could still invalidate them once they were found to have attended the final coaching of the review centers (that secured the leakage)," ani Brion.

Inihayag naman ni PRC Chairman Leonor Rosero na hindi nila ilalathala sa mga pahayagan ang listahan ng mga magre-retake upang maprotektahan ang kanilang mga pangalan.

Tanging ang 1,186 examinees na nakapasa ang ihahayag upang sumailalim sa oath-taking sa darating na Oktubre 17 na gagawin sa PRC auditorium sa Maynila.

Natutuwa naman ang Alliance of Nursing dahil makukuha na rin sa wakas ng mga nakapasa ang kanilang lisensiya bagaman nalulungkot sila sa magre-retake.

Nanawagan ang grupo na kailangang igalang ang utos ng Korte at nakiusap na huwag ng iapela pa ang desisyon ng ÇA para makausad na at makapagtrabaho na ang mga pumasang nurse.

Mr. Tadle wag mo na pahabain pa ang pagdurusa ng mga june 06 passers, wala kang konsiyensa. At bakit naman un tatlong review centers lang ang involved? Meron diyan ng isa pang review center na may leak din di isinasama kasi malakas ang may ari.

Hay naku kagaguhan na yang ginagawa ng UST at ni Mr. Tadle...

Bakit di nasama Millennium Review Center?

THANKSGIVING MASS TODAY(SUN) AT 5:30PM AT LORETO CHURCH, EARNSHAW, SAMPALOC, MANILA...BRING FRIENDS AND FAMILIES..INGATZ

Kahit mag-appeal sila Tadle, pag nakapag-oath taking na, it will be an uphill and quixotic climb in the Supreme Court, especially with the precedent of the 2003 bar exams. Useless ang appeal kung walang TRO. At paano ang TRO kung nag-oath taking na based on a Court decision--which will thus carry the presumption of regularity? Cancellation of license? Major problem of evidence yan!

The Supreme Court is not a trier of facts, so let us see if
Tadle and Baguio flunkers can have the Supreme Court change the CA decision. That will take time, and the passers will have taken their oath by then, and it is difficult to even attempt to invalidate their license on a case to case basis because it is impractical to PROVE who among each passer actually benefited from leakage!!! The CA decision pinpointed VENUES, Manila and Baguio, all right, but NOT specific EXAMINEES among 26,000 of them in these locations!!!

Anyway, ang matutuwa dito, lawyers. At ang problema, nasa Baguio flunkers and others. They are running short of time. Dapat, magprepare na sila for the coming December exams, otherwise maiiwan sila ng biyahe!!! They will look pathetic if they want to reform others but they cannot even do what is best for themselves.

The Baguio Braves should concentrate on punishing the culprits and reforming the exam system. The flunkers among them will just look sour graping by insisting on wholesale retake. The Baguio flunkers are the ones who need retake--not the passers-- because despite the leakage, they, the Baguio flunkers, failed. So they should take care of their own incompetence before branding passers as incompetent who need retake. Pag nag-appeal pa sila, Baguio Braves nga sila, matapang nga sila--pero, meaning: MATAPANG ANG HIYA !!!

HAY HETO NANAMAN ANG MGA TALANGKA!!! KAHIT IAKYAT NYO PA YAN SA SUPREME COURT, I THINK GANUN DIN ANG MAGIGING DESISYON NILA. HOY TADLE, IKAW BA PAG NAHULI KANG NAGNAKAW GUSTO MO PARUSAHAN PATI NANAY, TATAY, KAPATID, ASAWA, ANAK AT BUONG KAMAG-ANAK MO? KUNG GANUN KA ABA'Y NAPAKAWALANG PUSO MO NAMAN PALA! AT HINDI NYO TALAGA KAMI TITIGILAN? EH KUNG SIRAAN DIN NAMIN KAU, ONCE NA MAKAPAGTRABAHO NA KAMI ABROAD, GUSTO NYO BA YUN HA? ANG IBALIK NAMIN SA INYO ANG GINAGAWA NYO? FAIR ENOUGH LANG ANG DECISION NG CA!!!

Dapat i-boycott ang UST at mga professors na kamukha ng UST nursing dean at Tadle. Sila mismo, walang binigay na protection sa graduates nila, hindi ipinagtanggol at isinama pa sa mga incompetent passers daw, eh sila mas incompetent pa sa graduates nila.

FOR 3RD POSTER...

DAHIL SIRA NA ANG PAPEL NG GAPUZ REVIEW CENTER, RAY GAPUZ WILL CONCENTRATE ON BULDING UP INSTEAD YANG SUBSIDIARY NIYA -- MILLENIUM REVIEW CENTER -- PARA TULOY ANG LIGAYA NIYA.

REGARDING TADLE, HINDI KASI NURSE YAN E. PAREHO NI DANTE ANG. KAYA WALANG PAKIALAM SA NURSING PROFESSION KAHIT MASIRA ITO THROUGH THEIR DEMOLITION JOB.

Post a Comment


PBSN Forum


Photobucket 

- Video and Image Hosting

Archives

Links