Umabot lamang sa 28,924 o 42 percent mula sa kabuuang 67,728 ang nakapasa sa Nurse Licensure Examination na ginanap noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ito ay batay sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC) kung saan si Zandra Mae Zabaza Bongco mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ang nanguna.
Gaganapin ang oath taking ceremony ng mga bagong nurse sa March 17 at 18 sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Link: http://bomboradyo.com/newsdetails.asp?ID=15023