‘Walang retake’—DOJ
‘Walang retake’—DOJ
Ni Ludy Bermudo
Ang Pilipino STAR Ngayon 08/20/2006
Kung si Justice Secretary Raul Gonzalez ang tatanungin, hindi niya papayagang magkaroon ng "retake" ng pagsusulit ang mga nursing student matapos sumingaw ang leakage.
"Hindi dapat pahirapan ang mga estudyante, ang dapat imbestigahan, kasuhan at parusahan ay ‘yung matutukoy na sangkot sa leakage," anang kalihim.
Iginiit ni Gonzalez na malamang na hindi lahat na kumuha ng eksaminasyon ay nakinabang sa nasabing leakage lalo’t ang iba ay nagmula pa sa Mindanao o malayong lalawigan kaya hindi dapat madoble ang hirap ng mga ito sakaling ipatupad ang muling pagsasailalim sa examination.
Kinampihan din ni Gonzalez ang naging pahayag ni Philippine Regulatory Comission (PRC) spokesperson Leonor de la Rea na balido ang naging oathtaking ng mga board passers kahit pa nagpalabas ng temporary restraining order ang Court of Appeals (CA).
"Technically and legally, once na nakapasa na sa exam, okey na. ‘Yung oathtaking, formality lang ‘yun.. seremonya," anang kalihim.
Sa opinyon ni Gonzalez, nilinaw niya na ang mga pasadong nurse na sumailalim na sa panunumpa ay isa nang ganap na nurse at hindi maituturing na "not valid" ang oathtaking kahit nagpalabas ng TRO ang CA kamakalawa.
"The TRO concerns the action that has not been done. Status quo ante means injunction should be first before the oathtaking kaya yung naunang nanumpa, valid yun," dagdag pa ng kalihim.
Inihalimbawa niya ang naging kontrobersiyal na leakage sa Bar exams kung saan ang ginawa umano ng mga Examiner ay pinalitan lahat ng questionnaire na hinihinalang kabilang sa leakage kaya hindi na lumaki pa ang problema.
Puwede rin umanong i-adjust o i-nullify ang bahagi ng resulta ng exam upang hindi maapektuhan ang kabuuan.
FROM : http://www.philstar.com/philstar/Pinoy200608206901.htm

time will come na hindi na kukuha ang USA ng nurses dito sa Pilipinas pag hindi ipa retake itong June 2006 batch.
Posted by Anonymous | 12:12 PM
retake is not d answer.. db kyo mkaintndi n nalinis n ng PRC ung leak? ewn kb gs2 nyo kc cgro bumagsak kyo.. pro kng pmsa kyo ng malinis conscience nyo mlmang ayw nyo retake.. bt kc d nlng kyo mgmove on at mag aral 4 dec board..
Posted by Anonymous | 1:35 PM
when a house becomes disturbed and disordered, we should not accuse the youngest child or the servants, but the head of it.
Posted by Anonymous | 7:09 PM
NO TO RETAKE.....hey guys...for those who failed ..tama na,...time to move on.....accept reality....for the registered..bawi na tayo and work na tayo for the betterment...Good luck to us all!!
Posted by Anonymous | 7:10 PM
TO ALL HONEST BOARD PASSERS!
U N I T E !
GET UP! STAND UP!
LET US FIGHT FOR OUR RIGHTS!
LET JUSTICE PREVAIL!
Posted by Anonymous | 7:12 PM
Punish the ones who initiated the leakage...all students, passers or non-passers are all innocent and victims here...for us passers we are all clean and deserve our license with honor and respect...i guess for those who didnt pass, just accept the fact that there are winners and losers in any game..please stop having "CRAB MENTALITY" in this delicate issue..alot did self review and some wasn't even aware that there is a leakage going on..some of us even left our kids just to study hard to earn our license...please...do not punish those who are innocent which is us passers...having a re-take is such a punish for us..we can't afford to lose time, effort and money again just to satisfy the "wants" and "needs" (image) of other people..please let's stop being such "CRABS" here...please
Posted by Anonymous | 3:44 PM
ayan na nagumpisa na ang US na mag-ban ng batch 06 like arkansas pati jersey din...
nalinis ng PRC ang leak? kung nalinis na nila, sana pati ung mga students na gumamit ng leakage naparusahan na... e hindi naman ah... oo nga gumamit sila ng stat treatment pero bkt pati ung mga walang leak e gnamitan ng formula na yun... that means na d nila nakita ang extent ng leakage... dPAT ung formula na un, sa mga may leakage lang...
Posted by Anonymous | 1:35 AM
Ang cgfns & nclex result mo ang magiging batayan ng mga taga US. Yung iba nga di naman licensed dito sa Pinas pero diretso na nag nclex sa US. On the other hand,ang PRC parin ang mas may say sa decisyon sa exam. Masyado lang marami nakikihalo at gumugulo lalo sa sitwasyon, because of image!
Posted by Anonymous | 2:37 AM
Dun sa nagsasabi na "time will come na di na kukuha ang USA ng nurses dito sa Pinas...", di ako naniniwala dyan! Fair ang mga kano! Wag mong unahan at husgahan ang mga utak nila at desisyon sa mga negatibong laman ng isip mo. Let's all be positive in words & deeds!!! para yung ma attract mong mangyayari eh positive rin! Maaayos rin ang lahat in God's time.
Posted by Anonymous | 2:52 AM
thank you mr raul gonzales for defending us, sumhow nakakapalubag ng loob na khit papano may mga taong nasa posisyon na nagtatanggol sa aming mga pumasa ng walang leakage. totoo naman kc na hindi solusyon ang retake, competency sa nursing i think hindi dapat sa exam tingnan,dapat sa actual setting na. may mga tao nman kc na magaling lang sa theoretical, pero sa actual duty balahura nman. yun lang po.
Posted by Anonymous | 8:14 PM