Mabagal na usad ng imbestigasyon sa leakage binira

Binira ng mga petitioners at ilang sektor ang National Bureau of Investigation sa mabagal na pagusad ng isinagawa nitong imbestigasyon hinggil sa kontrobersiyal na 2006 nursing licensure examination leakage.
“Masyadong mabagal and there is nothing new. They just repeated the results of the fact-finding (committee). What about the Gapuz Review Center? What about INRESS? Marami na ang mga ebidensiya na tumutukoy sa kanila,” ayon kay Rene Tadle, pangulo ng University of Sto. Tomas Faculty
Hindi pa rin kumpiyansa ang mga petitioners sa pagsisiyasat ng NBI kahit pa inirekomenda na ng ahensiya ang pagsasampa ng kaso sa dalawang board examiners na sina Anesia Dionisio at Virginia Madeja
Sa report ng Bandila, naninindigan pa rin ang mga petitioners na dapat na managot ang lahat ng mga nakinabang sa leakage
Napag-alaman na hawak na ng Malacañan ang rekomendasyon ng NBI na patuloy pa rin pinagaaralan ng legal department ng ahensiya.
“Ang mga tao kapag ayaw magbigay ng written statements hindi naman namin mapilit,” sinabi ni Atty. Vergel Meneses, ang hepe ng anti-fraud and computer crimes division ng NBI
Nakatakda namang siyasatin ng NBI sa susunod na Linggo ang posibleng kinalaman ng Gapuz Review Center at INRESS Review Center sa naturang leakage. Ang INRESS Review Center ay pagmamay-ari ni Dr. George Cordero, ang nagbitiw na pangulo ng Philippine Nurses Association.
Friday, 01 September, 2006
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=49216