Petitioners hihiling sa CA laban sa nurses' license
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=50522
Huwebes, 14 Setyembre, 2006
Petitioners hihiling sa CA laban sa nurses' license
Hihilingin ng mga bagong petitioner sa Court of Appeals ang pagpigil sa pagbibigay ng mga lisensya sa nakapasang nurses sa kontrobersyal na Nursing Licensure Examination.
Ang mga nursing graduate na mula sa Baguio ang bagong petitioner na hihiling ng hiwalay at karagdagang petisyon sa CA sa Biyernes upang huwag mapayagang magbigay ng lisensya sa mga nakaasa sa nursing exam.
Ito ay matapos na mabatid na grupo na maaari pa ring makapanumpa ang mga pumasa sa eksaminasyon noong Hunyo kahit pa mayroon nang temporary restraining order sa Professional Regulation Commission na nagbabawal sa oath-taking.
Sinabi ni PRC Chairwoman Leonor Rosero na nakasaad umano sa kasalukuyang nursing law na maaari pa ring makapanumpa ang mga nakapasa sa pamamagitan ng alkalde, kongresista, deputadong mga empleado ng pamahalaan o notary public.
Napag-alaman na mayroon ding mga lugar sa Estados Unidos at maging sa ibang bansa na hindi na umano nangangailangan pa ng registration mula sa PRC upang makapagtrabaho bilang nurse.
Nabatid mula sa abogado ng mga petitioner na si Cheryl Yangot na posibleng mabigyan ng lisensya ang mga nakapasa sa eksaminasyon kung ang mga ito ay makakapanumpa sa ibang paraan.
Nakatakda din hilingin ng mga petitioner na utusan ang korte na pangasiwaan ng PRC at Board of Nursing ang retake ng Test 3 at 5 sa NLE.
“Ito ay nakabase sa premise na 90 questions ng set five ang na-leak pero gumawa kami ng masusing pagaaral tiningnan naming 100 lahat ng questions ng set 5 lumabas,” pahayag ni Yangot.
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=50522
Ang estudyanteng si Rachel Erfe, kasama si Dean Grace Lacanaria, ay kapwa nagsabing hindi lang 90 mga tanong sa Test 5 ang naipuslit kundi 100 umano kaya itatama lang nila ang unang impormasyon sa naunang petisyong na humingi ng TRO sa oath-taking ng mga nurse.
Si Erfe ay ang isa sa mga estudyanteng unang nagsiwalat ng leakage sa mga test questions at mga sagot dito at naging saksi umano sa handwritten leaked questions at pagpamahagi ng mga kopya nito sa mga reviewer ng Gapuz Review Center.
Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang magiging desisyon ng CA tungkol sa resulta ng imbistigasyon ng National Bureau of Investigation at dedesisyunan kung dapat nang alisin ang TRO o itutuloy-tuloy ito sa mga pagdinig sa korte.
Samantala, sinabi ng original petitioners mula sa UST Faculty of Nursing na hindi solusyon sa problema ng nursing licensure ang pagpasailalim sa mga review center sa pangangasiwa ng Commission on Higher Education.
“There is going to be a problem in terms of authority, and discipline of nursing schools how much more these review centers. Number two there is also this problem of resources and manpower,” sinabi ni Prof. Rene Tadle, presidente ng UST Nursing Colleges Faculty.
Ang naturang pahayag ay kinatigan din ng mga bagong petitioner at sinabing hindi kinakaya ng CHED sa kasalukuyan ang pangasiwaan ang standards ng kanilang sakop na mga paaralan lalo pa’t madadagdagan ng daan-daang review centers sakop ang 42 propesyon sa buong bansa.
“I don’t think CHED is the proper agency. Hindi ako naniniwala na may mangyayari kapag ibibigay sa CHED ang powers para iregulate ang mga review schools,” sabi ni Yangot.

On test 3, retake is not justified because there were enough valid test questions left, 80 out of 100.
On test 5, i-exclude na yon, tulad ng ginawa ng Supreme Court sa Mercantile Law noong 2003 bar exam scandal. Total, expert na sa subject ng test 5 ang mga passers. Whether they learned the correct answers from their reviewers as part of honest coaching or as leakage, fact is, they know the correct answers to the questions--so they are competent on the subject.
Kung sasabihin, hindi sa ganon, intelligence ang tine-test sa kanila, the ability to correctly answer 75% of the given set of questions. Kung ganon, hindi kailangan ang 500 questions, gaya ng NCLEX na kakaunti lang ang questions compared to that in PRC exams. Their competence can be tested with say 380 questions only, which is still much more than the 265 questions in NCLEX.
So, the answer is RETAKE--but in Baguio only and of UST passers only if they insist. Kami dito sa Mindanao, leave us in peace and give us our nursing licenses.
Posted by Anonymous | 2:19 PM
PROF. TADLE,
Kaya hindi ma-solve ang problema, ni hindi kayo nag-iisip na mabuti ng solution.
Tama lang na under sa CHED ang review centers dahil ang in-house review na undertaken by nursing schools are under CHED also. Ang mali, si Dr. Carlito Puno ang head nito--it seems he is not dynamic, he is not aggressive, he is not eagle-eyed in spotting the real problems, and he lacks drive in implementing no-nonsense solutions to problems brought before CHED. So siya dapat ang focus ng action ninyo. Give the complete bills of particular against him to the appointing power. Now is the time to strike while the iron is hot, while the nursing controversy is raging.
Kahit saang government agency ipa-regulate ang review centers, kung ang officials ay tulad ni Dr. Puno, hindi malulutas ang problema. Kaya hindi kung anong government agency ang dapat kung hindi kung anong officials ang kailangan--iyan ang key to the solution of the problem.
Posted by Anonymous | 2:39 PM
ANO BA TALAGA, talaga for integrity ba kayo eh bakit ang pinag iinitan nyo yung lisensya namin. Natakot pa kayo na may nag hihire pa sa states na hindi na kailangan verification from prc? hindi ba obvious na may BAHID NA MALICE NA YAN GINAGAWA NYO.
Pag nagbigay naman ng solution ilipat sa CHED ANG REVIEW CENTERS, ayaw nyo rin? eh san natin i under sa UST NA LANG KAYA?
Ginagawa kayo board member ng BON KASI feeling nyo kayo lang may integrity d ba? pero ayaw nyo naman?
Eh bakit pa kayo reklamo ng reklamo.. ayaw nyo rin pala kayo ang kikilos, mahilig lang kayo magreklamo.
Posted by Anonymous | 2:52 PM
Bkit kya may mga tao n selfish????For those who can't accept that they failed,,pls keep ur mouth shout..Stop insisting a RETakE coz its just a waste of time!!!!!!!!Sna maisip nyo n lng, ung mga parents at siblings n ngsacrifice pra lng s mga anak at kptid nla..
At sana nman wag n nila bahiran p ng pulitika ang issue n ito para mtapos n ok????????????
Posted by Anonymous | 3:22 PM
Mga utak lamok na source ng dengue ba kayo?
Pinagpipilitan nyo ang retake ng Test 3, ay dami pang natirang questions dito. Kasi, pag hindi nyo pinilit yan, ang matitira ay Test 5 lang at hihina ang case nyo.
Nakikita nyo ang leakage sa lugar nyo, pero yung walang leakage sa aming lugar na libo libo ang passers na walang daya, di nyo iniisip. Bale wala sa inyo. Iyan ba ang uri ng honorable character na gusto nyong ipakilala sa mundo?
Pinangungunahan nyo pa ang mga hospital, hindi naman sila tanga na ang titingnan lang ay PRC result. May sarili silang way to determine competent applicants.
Saka, huwag nyo kaming pakialaman. Kung gusto nyo ng retake, mag retake kayo, hwag nyong idamay yung hindi nandaya. Kaya nga may optional retake ang PRC, hindi nyo pa ba maintindihan ang kahulugan nito? RETAKE na kayo diyan sa Baguio hangga't gusto nyo. Walang pumipigil s inyo. Di nyo na kailangang magpetisyon. At aabangan namin ang resulta ng RETAKE kung papasa kayo, he, he, he!!!
Posted by Anonymous | 7:58 PM
Bakit parang ang yayabang ng dating ng mga petitioner na yan???
iilang lang naman sila pero parang hawak nila lahat ang ulo ng mga 17 thousand na bagong Nurse. Kung gusto nila ang labanan sa korte dapat kayong mga bagong Nurse labanan din niyo sila ng pamemerwesyo. Sobra na ang kayabangan ng mga yan. Parang sila ang amo ng mga bagong Nurse at parang sinasabi nila na sa kanila nakasalalay ng pagiging nurse ng mga nakapas!!!!!!!
Posted by Anonymous | 8:58 PM
dapat kasuhan yang mga petitioners ng moral damages sa lahat ng abalang ginawa nila sa atin.
Posted by Anonymous | 11:52 PM
sa lahat ng nagsasabi n wala "daw" sa Visayas and Mindanao leakage dapat imbestigahan din ng NBI.Huwag kayong magmalinis... Halos lahat ng me Gapuz review center nakinabang din sa leakage...
This is a fact...
Posted by Anonymous | 2:20 PM
I suggest that PRC must really do something about this now. Let those examinees from gapuz and inress review center take the retake! para matapos na problema ng lahat. yangot et al wag na kayo mandamay ng iba pakiusap lng.
Posted by Anonymous | 2:31 PM
Hindi lahat ng areas sa Visayas and Mindanao ay may Gapuz review center. This is a fact.
Posted by Anonymous | 2:38 PM
Ang problema kasi natin dito eh pakitaan na ng gilas at ng pride...ano ba naman exam yan eh kakaunti lang naman yan at hindi naman yan matter of life and death. diyan lang naman sa exam yan at sa actual meron naman common sense ang isang tao. Noon ngang panahon ni copong-copong albularyo lang eh ok na. Ang tao patuloy na nag-aaral at hindi naman robot na kung ano lang ang naroon sa exam eh yun lang ang alam nila. Once na nagkaron na siya ng trabaho ay halos nababago na rin lahat ang napag-aralan niya base on actual experience. Masyado na kasi exaggerated at sensationalized na ang leakage na iyan na sa totoong lang pwede naman pag-aralan lahat iyan during the time of duty...
Posted by Anonymous | 8:28 PM
Kung gusto ninyong malaman kung sino ang nag-cheat at meron leakage...Punta na lang kayo kay "Madam Auring" I'm sure malakas ang vibration niya kung sino ang nag-cheat?????
Posted by Anonymous | 8:31 PM
ATTENTION ALL JUNE 2006 BOARD PASSERS...
PLEASE GIVE OUR SUPPORT TO THOSE FIGHTING FOR US (FOR THE LIFTING OF THE TRO) BY SHOWING UP TO BE COUNTED AT THE COURT OF APPEALS (OROSA ST. IN MANILA, BEHIND SUPREME COURT) TOMORROW, MONDAY (SEPTEMBER 18, 2006) BETWEEN 9-9:30AM.
WE NEED TO SHOW THE JUDGE HEARING OUR CASE THAT, INDEED, INJUSTICE WAS MADE ON US WHEN WE WERE DENIED OUR OATH-TAKING AND SUBSEQUENT LICENSING.
PLEASE BE THERE TOMORROW.
PLEASE PASS THIS MESSAGE TO ALL YOUR CONCERNED FRIENDS.
THANK YOU.
Posted by Anonymous | 4:55 PM
buwagin na dapat yung prc. o kaya palitan lahat ng commissioners nito pati yung mga board members. sa kanila naman kasi nanggagaling yung leakage e.
Posted by Anonymous | 5:57 PM
cool ka lang...hindi po pwedeng mawala ang PRC and BON pwede palitan ung mga taong mukhang pera.. and isa pa dapat tigilan na yang mga petition na yan wlang pupuntahan yan pinatatagal lang ang release nang license na dapat nkapag training na.. ung board exam e exam lang yon pero ung training and experience mo sa bedside sa hospital yun ang alagaan mo..dahil isang pagkakamali mo mawawala sayo licensiya mo... kaya pls. lets pray na lang na matapos na ito...
Posted by Anonymous | 6:19 PM
Sobra na ang pakikialam ng mga petitioners na yan. Kung sinasabi nila sila meron karapatan magprotesta wala naman silang karapatan mamerwisyo. Mga Passers ng Nursing board exam dapat kasuhan na ninyo ang mga leaders ng petitioners na yan kasi sobrang pangwawalanghiya at pambabastos na at pamemerwisyo na ang kanilang ginagawa sa pamamagitan ng kanilang accusation na sweeping "retake" Hindi man lang nila naisip ang inyong sakripisyo noong nag-aaral pa kayo hanggang sa makatapos at iyong mga gastos at pagsisikap then suddenly papasok sila na sa tanang buhay ninyo ang hindi ninyo nakikilala at sila ngayon ang dahilan nang inyong pagdurusa. Nagpapakitang gilas sila at ginagamit lang kayo nila para maiangat ang kanilang sarili at kung ano ano pang personal interest!!!!!!
Posted by Anonymous | 8:41 AM