SolGen pinatatanggal ang TRO sa oath taking ng nurses
Isinumite na ni Solicitor General Eduardo Nachura ang isang petisyon sa Court of Appeals na tanggalin na ang temporary restraining order na pumigil sa panunumpa ng mga nakapasa sa nursing licensure exams noong Hunyo.
Sa 48 pahinang komento, iginiit ni Nachura na walang legal standing ang mga petitioner dahil di naman umano sila apektado ng test leak.
Napawalang-bisa na rin umano sa kwentahan ng pinal na score ang mga tanong sa test 3 at 5 at hindi makatarungan na ipagkait sa 17,000 nakapasang nursing graduates ang kanilang lisensiya para makapagtrabaho.
Nakatakdang dinigin naman ng korte ang argumento sa kaso sa darating na Huwebes ng hapon.
Ipinapaabot naman ng Professional Regulation Commission na itutuloy pa rin ang susunod na nursing exams sa buwan ng Disyembre kahit na 19 sa 33 nominado sa Board of Nursing ay tumanggi sa alok.
Ayon kay PRC chairwoman Leonor Rosero, pawang mga lider ng nursing community na may malaking maiaambag sa propesyon ang kanilang mga pinili para sa Board of Nursing.
Ang mga ito ang papalit umano sa mga nagbitiw na kasapi ng BON kabilang ang dalawang nasangkot sa nursing test leak scandal.
Napag-alaman na ang mga papalit na nursing board examiners ay dadaan sa screening ng Philippine Nurses Association. Ilalathala naman ang kanilang mga pangalang sa pahayagan ayon sa panuntunan ng Executive Order 496 bago magsimula ang interviews. Pagkatapos nito ay saka lamang maaaprubahan ng pangulo ang rekomendasyon.
Nabatid na ilan sa mga nominado ay mismong mga petitioners na humiling at pinagbigyan ng Court of Appeals na ipatigil ang panunumpa ng mga nakapasa sa kontrobersyal na board exam noong Hunyo.
FROM: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=50225

ATTENTION ALL JUNE 2006 BOARD PASSERS...
PLEASE GIVE OUR SUPPORT TO THOSE FIGHTING FOR US (FOR THE LIFTING OF THE TRO) BY SHOWING UP TO BE COUNTED AT THE COURT OF APPEALS (OROSA ST. IN MANILA, BEHIND SUPREME COURT) TOMORROW, MONDAY (SEPTEMBER 18, 2006) BETWEEN 9-9:30AM.
WE NEED TO SHOW THE JUDGE HEARING OUR CASE THAT, INDEED, INJUSTICE WAS MADE ON US WHEN WE WERE DENIED OUR OATH-TAKING AND SUBSEQUENT LICENSING.
PLEASE BE THERE TOMORROW.
PLEASE PASS THIS MESSAGE TO ALL YOUR CONCERNED FRIENDS.
THANK YOU.
Posted by Anonymous | 4:58 PM