PRC, nursing school deans sinisiyasat tungkol sa leakage

http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=49416
Hindi pa man nailalabas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inisyal na report nila sa leak sa June 2006 Nursing Licensure Exams, inumpisahan na nila ang pangalawang bahagi ng imbestigasyon.
Hawak na ng NBI ang CD ng PowerPoint presentation sa final coaching ng INRESS Review Center nung Hunyo 8 at 9.
Kinumpirma ng whistleblower na si Dennis Bautista sa Senado na ang mga tanong na lumabas dito ay pareho sa test 3 at 5 ng exam.
Kaya ipapatawag ng ahensya ang 22 deans at mga reviewees na dumalo sa final coaching ng Inress Review Center.
Tututukan na ng ahensya ang mga taong may kinalaman sa pagkalat ng leak at mga nakinabang dito.
“Everybody is under investigation including the Professional Regulation Commission. I hope everybody cooperates kasi pati nakinabang might be liable, yung principal, accessory at accomplice,” ani Elfren Meneses, hepe ng NBI Anti-Fraud and Computer Crimes Division.

Pag napatunayang may kinalaman at nakinabang sila sa leak, kakasuhan sila ng paglabag sa Sec. 15 ng PRC Modernization Act of 2000 na nagbabawal sa anumang leak sa board exam.
Nahaharap sa dalawa hanggang 12 taong pagkakakulong ang may sala, depende sa naging papel nila sa nursing test leak.
Nanawagan si Meneses sa mga testigo na umaatras at ayaw nang magbigay ng pahayag.
“I’m encouraging them to come out and tell the truth kung ano ba talaga ang nalalaman nila sa nangyari. Who benefited and how it was done?” aniya.
Ipapatawag din ng NBI ang RA Gapuz, INRESS at Pentagon Review Centers para tanungin muli kung paano umano nila nakuha ang leaked questions.
Bubusisiin din ang bank accounts ng mga taga-PRC, Board of Nursing at ni dating Philippine Nurses Association (PNA) president George Cordero na pinagbibintangang gumastos sa biyahe ng ilang taga-BON sa international nursing conference sa Switzerland.
Pero ayon naman sa BON awtorisado at sariling bayad ang pagdalo nila sa Switzerland.
FROM : http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=49416