Dalawang miembro ng BON kakasuhan ng PRC

http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=49310
Sasampahan ng Professional Regulation Commission ng kasong administratibo ang dalawang miembro ng Board of Nursing dahil sa kanilang pagkakasangkot sa leakage sa June 2006 Nursing Licensure Examinations.
Inamin daw nina Anesia Dionisio at Virginia Madeja na sila ang gumawa ng mga test questions ng Tests 3 at 5 kung saan nagkaroon ng leakage.
Ayon kay PRC chairwoman Leonor Rosero nilabag nina Dionisio at Madeja ang pinirmahan nilang "security declaration" kung saan nakasaad na responsibilidad nila ang mapanatiling confidential ang mga test questions.

Kasalukuyan ding iniimbistigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Dionisio at Madeja sa umano'y pagtanggap nila ng P7 milyong suhol mula kay George Cordero. Si Cordero ang may-ari ng INRESS Review Center na pinagmulan umano ng leakage.
Pero ani Rosero hindi na nila hihintayin ang hatol mula sa NBI dahil sa kaso nila sa PRC guilty na sina Dionisio at Madeja.
Titiyakin na lang sa PRC hearing ngayong linggo kung paparusahan sila ng suspensyon o permanenteng pagbawi ng kanilang lisensya.
FROM : http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=49310