Nursing board retake maaaring sa Luzon lamang

May malaking posibilidad na ipautos ni Pangulong Arroyo ang retake ng Test 3 at 5 ng nursing board examinations sa mga estudyante na galing ng Luzon lamang.
Ito ang naging pahayag ng original petitioner sa Court of Appeals na si professor Rene Tadle ng University of Santo Tomas.
Nalaman rin ng Bandila na mayroong mga pulitiko galing Visayas ang nagsusulong na huwag nang idamay ang mga estudyante sa labas ng Luzon sa retake.
"Ang hindi natin made-determine dito kung sino ang nagbenefit sa leakage. Ang pangalawa, may email, may text, maaaring maipasa kaagad yung leakage. At pangatlo, yung involved na review center, yung Gapuz Review Center, may mga branches yan sa different parts of the country," ani Tadle.
Naunang naunsiyame ang nakaplanong pag-utos ng retake ng Test 3 at 5 ng lahat ng kumuha ng eksamen, pumasa man o hindi.Bagay na ikinairita ng kalihim ng Department of Labor and Employment na si Arturo Brion.
Apat sa topnotchers ng board noong June 2006 ay mga nagreview sa Millennium Review Center na pinamamahalaan din ng Gapuz Review Center.
Ang Gapuz ay isa sa mga iniimbestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation sa pagkadawit nito sa mga testimonya sa napag-alamang leak ng Test 3 at 5.
Maraming estudyanteng nakapasa sa eksamen ang umano’y walang benepisyo ng leak ang handang lumaban sa pagpilit sa kanilang mag retake. Habang retake pa rin ang isinusulong ng ibang estudyante kasama ang grupo ni Tadle.
Ngunit tila lumalayo na naman ang katapusan ng isyu dahil sa bago na namang mga isiniwalat na impormasyon.May leak din daw ang Test 1 at 2 at handa nang ilabas ang ebidensiya.
"Ito yung fundamentals of nursing practice at maternal and child health nursing. Lumalabas nga dito na almost 50 questions daw ang na-leak sa Test 1 at 50 questions din ang na-leak sa Test 2," ani Tadle.
Ayon kay Tadle ang sworn statement na inihain na sa mga otoridad ay pinirmahan ng limang estudyante mula Nueva Ecija, Tarlac at Baguio.
Idinawit umano ng mga estudyante ang isang review center na nakabase dito sa Manila kung saan ginawa ang pagbigay ng mga tanong at sagot sa Test 1 at 2. Halos pareho, ayon sa mga estudyante, ang paraan na ginawa ng INRESS Review Center kung saan may key words ang mga sagot.
At ayon sa sworn statement na nakita mismo ni Tadle, 50 tanong sa bawat test ang nauna nang lumabas sa leak.
Kaya’t ang tila namumuong bagong hamon ng grupo ni Tadle ay ang pag retake ng lahat ng estudyante sa lahat ng mga test mula 1 hanggang 5.
"What if the evidence would really point na mayroong leakage sa Test 1 and 2? Then we really have no choice but to ask the President to immediately order a retake of the whole examination para ma-restore ang integrity ng licensure exam," dagdag pa niya.
FROM: ABS-CBN News
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=52474

ginuong tadle tumigil kn! Ikaw ang mapanirang puri sa nursing profession e, bakit ko nasabi e hindi k nmn nurse e!umiepal k... siguro nung panahon mong nagexam k e muntik k ng bumagsak kaya ganyan n lamng ang ginagawa mong panggugulo sa nursing profession.
alam mo sa tutuo lng kahit man ung mga magagaling n nurse n napupunta ng ibang bansa e nagsisimula rin sa simula e...mga kawawa sila sa umpisa!
bakit b hindi k nlng tumulong n ung mga new nurses e magtuloy n sa pagasenso nila, bakit k pumipigil sa knila.
alam mo ang hindi mo alam nasisira ang profession na ito dahil sa mga pagyayabang mo!pati ung mga mayayabang mong mga amo n akala mo sila lng ung mga magagaling!
sana lng maranasan mo rin ung hirap at sakit na nararamdaman ng mga inaapi mo dahil sa mga kayabangan mo.
Posted by Anonymous | 9:13 PM
'NO RETAKE' RALLY TOMORROW, OCT.10,9AM, AT LIWASANG BONIFACIO, LAWTON, WEAR BLACK SHIRT, PLEASE SUPPORT AND MAKE A STAND..THIS IS FOR ALL OF US...GOD BLESS US ALL
Posted by Anonymous | 8:35 PM