'Leakage' sa nursing board exam bubusisiin

PORMAL nang naghain ng resolution bilang 516 si Senador Richard Gordon sa Senado para sa imbestigasyon ‘in aid of legislation’ ng naganap na ‘leakage’ sa ‘Nursing Board Exam’ (NBE) at igigisa ang mga opisyal ng Philippine Regulatory Commission (PRC) at Board of Nursing (BON).
Ayon kay Gordon, ang nasabing resolusyon ay bilang tugon makaraang kuwestiyunin ng 91 nur-sing students at deans ng mga nursing school sa Baguio City at Cordillera Administrative region ang integridad ng 2008 NBE.
Aniya, labis na nakakahiya ang nangyaring ‘lea-kage’ dahil ang buong mundo, ay pawang sa Pilipinas kumukuha ng mga nurses dahil sa propesyunal ng mga ito, pagdating sa pag-aalaga ng mga pasyente.
Iginiit ng senador, na ang nangyaring dayaan sa examination ng mga nagtapos ng nursing ay nakakasama ng imahe ng Fi-lipino nurse sa abroad, bukod pa sa nakaapekto rin sa kredibilidad ng pamahalaan.
Dahil dito, kailangan umanong managot at patawan ng kaukulang parusa ang may pakana ng ‘leakage’ upang hindi na maulit pa sa darating na mga panahon.
Kasabay nito, ipapatawag din ng Kamara de Representantes ang mga opisyal ng PRC at BON upang magpaliwanag kung bakit nagkaroon ng dayaan sa ibinigay na pagsusulit para sa mga nais maging nurse noong Hunyo 11 at 12.
Dolly B. Cabreza, Ryan Ponce Pacpaco
From : PEOPLES TALIBA
http://www.journal.com.ph