Saksi sa nursing exam leakage humarap sa Senado

Humarap sa pagdinig ng Senado nitong Miyerkoles ang whistleblower ng nursing exam leakage na si alias “Jun” na naunang kinumpirma ang dayaan sa panayam ng TV Patrol World at Bandila noong Martes.
Bunga ng kanyang testimonya, pag-aaralan na ng Senado ang paghain ng batas para maregulate ang review centers.
Nakasuot ng shades at cap si Jun o Dennis Bautista nang dumalo sa pangalawang pagdinig ng Senado sa nursing exam leakage.
Tulad ng kanyang sinabi sa panayam, muling idiniin ng impormante si George Cordero, pangulo ng Philippine Nurses Association at may-ari ng Inress Review Center, na pinagmulan umano ng leakage.
Sabi pa ni Bautista, sa pamamagitan ng PowerPoint presentation ay lantarang binasa ng mga instructor ng Inress ang mga itatanong sa exsam at ang mga sagot.
Nagulat din ang marami nang pangalanan niya ang isang opisyal ng Philippine Nursing Association (PNA) na nasa naturang final coaching.
Hindi na itinanggi ni Victoria Ramon, vice-president ng PNA, ang sinabi ni Bautista. Depensa niya, wala namang masama sa kanyang ginawa.
Isa pa, hindi rin naman daw pumasa ang anak niya.
Ayon naman kay Sen. Rodolfo Biazon, malaman ang testimonya ni Bautista. Makakatulong ito sa kriminal na aspeto para mapanagot ang mga nasa likod ng leakage. Maghahain rin siya ng batas na sasakop sa nursing review centers.
Hindi naman sumipot sa pagdining si Cordero dahil nasa ospital umano ang opisyal ng PNA.
Wala rin doon ang mga opisyal ng Professional Regulatory Commission at National Bureau of Investigation na nangunguna sa siyasat.

FROM : http://www.abs-cbnnews.com/STORYPAGE.ASPX?STORYID=47608