Rosero masama ang loob kina Brion at Ang

http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=52795
Sumiklab na ang away sa pagitan nina ni Professional Regulation Commission Chairwoman Leonor Rosero at ng iba pang opisyal na naatasang ayusin ang eskandalo sa nursing exam.
Halatang masama ang loob ni Rosero nang humarap sa budget hearing ng Senado nitong Martes, higit pa nang pinagpaliwanag siya sa pabago-bagong desisyon ng gobyerno tungkol sa nursing exam leakage.
Ibinato ni Rosero ang sisi kina Labor Secretary Arturo Brion at presidential adviser Dante Ang na tinawag niyang mga pakialamero.
Aniya, paninira sa PRC ang sinasabi ni Ang na may bahid na ang resulta ng June 2006 nursing exam at wala nang gustong tumanggap sa nakapasang examinees.

Mukhang hindi rin matanggap ni Rosero na nasa ilalim na ang PRC sa poder ng Department of Labor base na rin sa utos na ipinalabas ng Pangulo.
Nakarating agad kay Brion ang mga pag-atake ni Rosero sa kanya. Ito ay dahil nasa kabilang kwarto lang si Brion at humaharap sa Commission on Appointments.
Hindi na pinatulan pa ni Brion si Rosero.
“Ilang beses kaming nagpulong with Chairman Rosero at paulit-ulit kong pinaliwanag sa kanila na merong EO attaching PRC to DOLE kaya siguro po mali ang sinsabi ni Chairman Rosero na ako'y nakikialam,” ani Brion.
Gayunman, sa utos na rin ng Pangulo, inatras na muna ni Brion ang naunang pahayag na dapat magkaroon ng re-take ng nursing exam.
Hihintayin na raw muna ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation at pakikinggan ang sentimyento ng mga apektado.

As far as the majority of the June 06 board passers are concern, THE PRC & BON, DID WHAT IS JUST & RIGHT... & IN TIME - TO INVESTIGATE THE BAGUIO WHISTLEBLOWERS COMPLAINT & NULLIFY TESTS W/ LEAKAGES!!!
NLE 2006 WAS ALREADY LEAKAGE FREE WHEN THE RESULT CAME OUT ON 19 JULY 2006!!!
IT'S ILLEGAL TO TAKE WHAT IS RIGHTFULLY OURS & our VESTED RIGHT - OUR RN LICENCES!!!
Posted by Anonymous | 12:12 PM
WELL SAID, LEGAL NURSE!
SANA MABASA ITO NG CA JUDGE.
Posted by Anonymous | 4:32 PM
bakit kinokontra ng gobyerno (brion at dante ang) ang sarili nyang departamento (PRC)???
alam naman ng lahat na ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) Modernization Act RA 8981, ang PRC ang syang tanging may awtoridad sa issue ng 'national licensure'...
at nakapaloob sa batas na ito na lahat ng resulta na ilabas ng PRC ay dapat na 'final' na...
sana naman ay igalang ito ng pangulo... ni ginoong brion (na dating associate justice ng CA)...
tahasang pag labag sa batas ang pagbalewala sa (PRC) Modernization Act RA 8981... salamat!
Posted by Anonymous | 5:47 PM
halatang halata na ang gumawa ng article na ito ay may mga taong pinapanigan.
Sine-sensualize na naman ang issue.
Shame on abs-cbn!
Posted by Anonymous | 6:27 PM
hey,
LET US NOT ALSO FORGET... PRC's decision for OPTIONAL RETAKE!!!
which is FAIR & JUST FOR ALL CONCERNED...
LET'S SPARE THE INNOCENT...
AND...
LET'S RUN AFTER THE CULPRITS... THE OWNER OF SCUM REVIEW CENTERS WHO SPREAD THE LEAKAGES!!!
Posted by Anonymous | 6:28 PM
:-) SENSATIONALIZE po...not sensualize :-) actually... i think dapat mainis din si rosero kay GMA... kse nga sya may order nun... u know... passing the buck... para hindi sya mabuntunan ng sisi... eh yung nabigyan ni GMA ng powers eh yun namang bias sa issue... tsk tsk LECHENG GOBYERNO TO!
Posted by Anonymous | 5:16 AM