It has to go in a custom footer (not html module) to work*. The source, which also has some interesting thoughts on the desirability of disabling right click, is below: http://javascript.about.com/library/blnoright.htm *Using in a custom footer:replace all code in xslt box with this: ]]>

« Home | Saksi sa nursing exam leakage humarap sa Senado » | Senate uncovers 'proof' of nursing exam anomaly » | Witness tags ‘brains’ of nursing leakage » | Nursing school tagged in leakage » | No way I’d take exams again, says ‘Gringo’ » | Nursing board passers’ oathtaking to push thru » | Nursing college deans probed over test leak » | POLL RESULT : JUNE 2006 EXAMINEES : Do you want a ... » | Retake of nursing exams optional, says PRC » | Sweeping under the carpet »


QUICKLINKS : CHAT RULES / PINOYBSN FORUM

PRC: Nandaya sa nursing exam babawian ng lisensya

PRC: Nandaya sa nursing exam babawian ng lisensya


Binalaan ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkoles ang mga estudyanteng kumuha ng Nursing Board Examination na babawiin ng ahensya ang lisensya nila kapag napatunayang sangkot sa dayaan sa pagsusulit. Ayon kay Leonor Rosero, tagapangulo ng PRC, hindi maaaring pawalambisa lahat ang mga lisensya dahil kung sino lang ang nakinabang sa dayaan, siya o sila lang ang dapat magdusa.


DZMM: Ma’am mayroon po kaming na-interview, lumalabas na po ang lahat ng nangyari doon sa leakage [na] 1,000 katao ang nakinabang doon sa leakage na tila lumalabas pinamunuan po ng Inress Review Center?

Rosero: 'Yun po ang kailangang patunayan.

Dini-deny n'yo ba na nagkaroon ng leakage?

Hanggang hindi lumalabas ang result ng investigation ng [National Bureau of Investigation] e saka pa lang po namin iko-confirm na may leakage dahil sa result ng examination hindi namin makita doon.

Ibig sabihin 'yung grades ng mga examinee ay hindi po masyadong makita doon sa result ng aming computation na talagang may leakage.

So paano po 'yung lahat ng mga tume-testigo at 'yung findings mismo ng inyong fact-finding committee? Nakita po namin ang resulta, pero just the same pinalabas pa din n'yo ang resulta ng examination kaya nga po nagkagulo. Kasi ang sabi ng iba, ang opinion ng iba, dapat daw prudence dictated na hindi n'yo muna inilabas ang resulta ng exam kung tangan-tangan na pala n'yo ang mga testimonya at ebidensya na mayroon pong leak?

Ganito po 'yan, kagaya ng nasabi ko kanina hindi po namin nakita doon sa result ng examination.

Hindi lang po result ang basehan?

Ngayon ang leakage po ay lumabas dahil ibinigay ng Board of Examiners 'yung 500 questions na hindi naman po 500 questions ang lumabas sa examination, hindi po ba?

Hindi po 'yung lumabas sa examination ang isyu dito, ang isyu dito ay 'yung lumalabas sa Test 3 and Test 5 questions na eksakto din pong lumabas doon sa mismong exam. Mayroon pong panukala ang Senado na hindi pa din n'yo sinisipot sa kanilang hearing, ang recommendation po ni Senator (Richard) Gordon, bakit hindi po i-retake ang Test 3 and Test 5 dahil 'yun po ang lumalabas na may ebidensiya na na-leak na mga sagot? Bakit po hindi na lang ipinaulit 'yung Test 3 at 5?

Ganito po 'yon. 'Yung mga gustong mag-retake, pwedeng mag-retake pero hindi po namin pwedeng iutos sa lahat na mag-retake dahil kagaya nga po ng sinabi ko sa inyo, statistically we used six kinds of computation or analysis for us to come up with that decision.

'Yan ba ay final na desisyon n'yo na 'yung gustong mag-retake, mag-retake, 'yung ayaw huwag, ganoon po 'yon?

Opo dahil 'yung sinasabi lang may leakage ay sa Baguio. Hindi ba sa ibang regions ay wala namang ganoong nakatanggap ng leakage?

But why do you have to make such a ruling or decision when in fact hindi pa tapos ang NBI investigation?

Kailangan po naming ilabas dahil ganito 'yon, kapag napatunayan po ng NBI na itong examinee na ito ay nagkaroon ng leakage we can still suspend or revoke his license kapag napatunayan na siya ay nandaya o nagkaroon ng leakage.

Isa-isa po n'yong lilitisin ang mga estudyante para malaman niyo kung sino ang nandaya? Kasalanan ngayon ng estudyante na sila ay nabahiran nung leak?

Kaya nga po hindi namin, kaya nga namin ini-release ang resulta ng examination ay dahil napakahirap i-pinpoint kung sino ang nagkaroon ng leakage dahil hindi naman po lahat ang nagkaroon ng advantage dito sa leakage na ito.

Alam n'yo ba na ang leak ay tila lumalabas ayon sa mga testigo ay dumaan po sa SM, hindi po sa Baguio, dito sa SM sa Maynila?

Hindi po dumaan sa SM.

Ang nangyari po ay mayroong grupo na reviewee na inipon nitong review center na ito at [na-flash] sa screen itong sinasabing leakage at an extra cost for them.

Going back sa inyong statement , sabi n'yo kapag lumabas ang NBI investigation na mayroon talagang leakage saka n'yo ire-revoke ang lahat ng lisensiya?

Hindi lahat.

'Yung mga nagkaroon ng leakage lang.

Paano kung sabihin na hindi na ma-trace kung saan na napunta ang leakage na ito, kung ito ay lumawak hanggang Visayas at Mindanao, so paano po yon hindi ba parang napaaga kayo ng hatol, desisyon dito na dapat hinintay muna ang NBI result?

Kung hihintayin po namin ang NBI result ay possible pong matagalan at hindi natin alam kung kailan matatapos hindi ba.

Ang sabi ng NBI August 30 ang tapos ng kanilang imbestigasyon?

Hintayin po natin ngayon ang result ng kanilang investigation.

But meantime, so hindi pa final ang inyong desisyon?

Na?

'Yun nga 'yung sa gusting mag-retake, sa ayaw mag-retake okey lang, parang sa inyong pahayag kanina ay parang, 'o sige, o ano ang findings ng NBI doon sa nakapasa diyan?' parang sabi n'yo saka ire-revoke ang kanilang eksaminasyon?

Opo.

Kung talagang napatunayan naman na 'yung taong ito ay nagkaroon ng leakage, hindi ba dapat isa lang 'yung parusahan o dalawa o tatlo? 'Yung nagkaroon ng advantage sa leakage na yan, hindi naman po dapat lahat ay parusahan, hindi ba?

I respect that. Hindi dapat lahat dito ay magdusa but ang punto is, marami din. Sabihin natin na 'yung kalahati diyan ay nandaya?

Kung kalahati po 'yan ay makikita dapat namin doon sa result ng aming computation, pero lumalabas po talagang hindi ma-pinpoint at parang wala pong masyadong nagkaroon ng advantage.


FROM : http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=47559

is this rosero blind? or just pretending to be blind? did she go to school, study logic? does she have what it takes to man the wheel of this important commission? is she playing with us? with answers like hers i can only pray for the fate of our country. it is appaling to note that reasoning such as hers has to be upheld. after accepting that there was a leakage now she states that based on the results of the exams there was no leakage because the results did not reflect that. what is going on? what is she hiding? why did she act in such a hasty manner. these questions have to be answered but im sure no one will.

Comment lang ha, sa nagpalabas ng 12 dean na involve sa leakage, i hope you are reading this one. before you involve certain deans of certain colleges or universities, pakiusap naman, siguraduhin mong involve nga sila, sira na nga pangalan ng school nila, sisirain mo pa... It doesnt mean na inress yung base review center nila may alam na yung dean at yung school, kawawa naman yung mga nag aaral sa mga school na yun, hwag namang ganyan... Maapoy na nga yung kalan, dinagdagan pa ng hangin...

salamat po

Tanong lang: Bakit minamadali ni Mrs. Rosero ang oathtaking then at the same time tatakutin naman nya na babawiin ang license pag involve sa "leakage". Tanga ba siya??
Sana naman bago siya magsalita ng kung anu-ano, hintayin nalang muna niya ang investigation para di pabago bago ang decision nya..

i cant help but notice na talagang nasa dugo na ng pinoy ang crab mentality! ganito lang yun kung may nandaya eh di sila lang dapat ang mag-suffer bakit lahat? naghirap ako mag self-review,nag-take ako with only prayers in hand and i passed..now i have to suffer just because of these people who cheated?

i cant help but notice na talagang nasa dugo na ng pinoy ang crab mentality! ganito lang yun kung may nandaya eh di sila lang dapat ang mag-suffer bakit lahat? naghirap ako mag self-review,nag-take ako with only prayers in hand and i passed..now i have to suffer just because of these people who cheated?

Ganyan talaga e. Pag may isang bulok na kamatis, lahat susunod na mabubulok. In short, lahat damay.

Post a Comment


PBSN Forum


Photobucket 

- Video and Image Hosting

Archives

Links