PRC: Nursing deans na nakinabang sa leakage ipatatawag

Ipapatawag at pagpapaliwanagin ng Professional Regulation Commission (PRC) ang mga college dean na dumalo umano sa final coaching ng Inress Review Center para sa Nursing Board Examination noong June 8 at 9 sa SM Cinema sa Maynila.
Gustong malaman ng fact finding committee ng PRC kung nakinabang o hindi ang mga estudyante sa leakage.
Matagal na umanong alam ng PRC na may mga dean na dumalo sa final coaching ng Inress.
Pero ayon kay PRC Chairwoman Leonor Rosero, noong Miyekoles lang nila nila nalaman sa ulat Bandila ang pangalan ng mga eskwelahang ito.
Ilan sa mga paaralang tinukoy sa ulat ay ang: Iloilo Doctors' College, Lorma College sa La Union, University of Northern Philippines sa Vigan, West Negros College sa Bacolod, Bataan Polytechnic College, Central Luzon Doctors' Hospital sa Tarlac, Arellano University sa Recto at ang Philippine College of Health Sciences sa Recto na pag-aari ni George Cordero, ang nagbitiw na pangulo ng Philippine Nurses’ Association.
Samantala, rerepasuhin din ng ahensya ang score na nakuha ng mga estudyante sa nasabing mga eskwelahan.
Kung mapatunayan na nakinabang ang mga estudyante ng mga eskwelahang ito, pwedeng makasuhan at mawalan ng trabaho ang mga dean.
Sa kaugnay na ulat, itinanggi ni dean Fe Mercedez Pizon ng Iloilo Doctor's College na nakipagkita siya kay Cordero at hindi raw sila nakinabang sa leakage dahil mababa umano ang resulta ng mga estudyante nila.

FROM : http://www.abs-cbnnews.com/STORYPAGE.ASPX?STORYID=47713