Nursing review centers sasalain ng CHED Inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) nitong Lunes ang draft ng regulasyon na dapat na sundin ng mga nursing review center sa bansa.
Ang draft ng Executive Order 566 ay naglalatag ng mga regulasyon na mahigpit na ipatutupad sa mga nursing review center.
Una rito ay ang regulasyon na pakikipagsosyo sa isang kolehiyo o unibersidad na nagtuturo ng nursing. Ang CHED mismo ang tutukoy kung magkano lang ang dapat na singilin ng mga review center.
Ipinagbabawal na rin ang paglampas sa 100 estudyante bawat guro sa isang review class at kailangan din na magkaroon ng walong porsyento pataas na passing rate ang isang review center. Samantala, hindi pa man napapatupad ang nasabing kautusan ay may mga may -ri na ng review centers ang hindi sumasang-ayon. CONTINUE READING ON : http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=54055